Boss Hero HILAM ang mga luhang tumayo ako kahit nanghihina saka lumabas ng suite na pinagdalhan sa ‘kin ni Trevor kagabi. Lumabas ako sa hotel at bumalik sa dalampasigan kung saan niya ako nakita kagabi. Umaasa ako na baka makita ko siyang muli dito kahit sobrang malabong mangyari ‘yon. Katulad kagabi, naupo ako sa buhanginan at niyakap ko ang mga hita ko. Sobrang sakit mabasa ang sulat na iniwan niya. Alam kong nagpapaalam na siya sa ‘kin. Habang tumatagal ay mas lalong nagdudulot ng sakit ang iniwang sulat sa akin ng mahal ko. At habang tumatagal ay hindi pa rin tanggap ng puso’t isip ko na iniwan niya na ako. Ang sakit-sakit lang dahil ngayon ay alam ko na ang pakiramdam na iwan ka ng taong mahal mo. Noon ay pilit ko siyang tinutulak dahil nasasakal na ako sa kaniya. Pero m

