Kabanata 7

2463 Words
Natatakot NAGISING ako sa kalagitnaan ng gabi nang maramdaman ang kung anong malambot na bagay na dumadampi sa leeg ko. Nang tingnan ko ang orasan ay alas kwatro pa lamang ng madaling araw. “Trevor!” gulat na saad ko nang makitang nakapaibabaw siya sa ‘kin ngayon. “Eleyna, my wife,” paos ang boses na anito at saka ako hinalikan sa labi. Napapapikit ako. Sa kabila ng ginawa niya ay heto na naman ako at malapit nang bumigay ang katawan ko. Naramdaman kong bumaba ang halik niya sa aking panga patungo sa aking puno ng teynga saka bumulong, “Kiss me back, wife,” aniya at muli akong hinalikan sa labi. Wala na. Tuluyan nang sinakop ni Trevor ang sistema ko at hindi na ako nakapag-isip pa ng maayos. I didn't think twice and just like what he want, I kissed him back. Tinugon ko ang halik niya at ipinulupot ko ang aking mga kamay sa kanyang batok nang maging agresibo ang mga kilos niya.  Kinalas niya ang halikan naming dalawa. Bumaba ang labi niya sa panga ko pababa sa leeg ko. Ang mapangahas niyang dila ay naglaro sa aking leeg patungo sa aking dibdib. “Moan, Eleyna. I want to hear my wife, moaning,” he huskily said. Pansamantalang umalis sa ibabaw ko si Trevor at hinubad ang kanyang damit at itinira lamang ang kanyang pang ibaba. Matapos nun ay muli siyang pumaibabaw sa ‘kin. Kung saan-saan na dumadapo ang mga kamay niya hanggang sa namalayan ko na lamang na hubad na rin ako sa ilalim niya. “T-Trevor,” halos senswal na pagkakasabi ko nang pinihit niya ako padapa at saka siya pumatong sa likod ko. Muling kumawala ang ungol sa bibig ko nang maramdaman ko ang unti-unting pag-ulos niya. “Ah f**k! Eleyna! You’re mine. Mine alone, wife.” The four corners of the room were filled of our heavy breathing and panting. He’s thrusting his hips so hard that it made me clutch the bedsheet. I bit my lower lip. “Wife!” Umalis sa ibabaw ko si Trevor at muli akong pinihit pahiga. He went on top of me again and kissed me on the lips aggressively. Napakalmot ako sa likod niya nang bagalan niya ang paggalaw ngunit puno ng diin. “Ah…” Ipinilig ko pakaliwa ang ulo ko nang bumagsak ang labi ni Trevor sa leeg ko. Napatingala ako para bigyan siyang daan sa kanyang ginagawa. Ilang sandali pa’y muli niyang binilisan ang pag-ulos. Mahigpit rin ang pagkakahawak ng mga kamay niya sa aking beywang hanggang sa marating namin ang rurok. Ibinagsak niya ang katawan sa tabi ko at inihapit ako. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo. Kapwa pa rin kami walang saplot sa ilalim ng kumot, naghahabol ng paghinga. “Masakit pa ba ang binti mo?” aniya maya-maya, binasag ang katahimikang namayani sa pagitan naming dalawa. Bumangon ito at naupo sa aking paanan. Pasimple kong kinuha ang comforter at muling itinakip sa hubad kong katawan nang malihis ito dahil sa pagbangon niya. “M-medyo.” Napa-iwas ako sa kanya ng tingin nang ipatong niya ang aking paa sa kanyang hita at marahang hinilot ito. Hubad pa rin siya at tila walang pake na nakalantad ang katawan niya. “Si Manang Nenita pala?” Kagabi kasi nang kumain ako ng hapunan ay hindi ko na ito nakita. “Umuwi na. Nagkausap kami kanina. Hindi niya gusto ang ginawa ko sa ‘yo.” Bumuntonghininga ito. “Are you mad at me, wife? Alam mo naman ang rason kung bakit ko nagawa ang bagay na ‘yon hindi ba? I just want you for my eyes only. I don’t want you talking with other man.” “Trevor…” tila nahihirapang saad ko at bumangon. I caressed his cheeks. “Hindi ako galit sa ‘yo. Marahal noong isang araw ay oo. Pero kasi gusto kong unawain mo na wala akong ginagawang masama. Nagkataon lang na ako ang nilapitan nung lalake.” Gusto kong ipaunawa sa kanya na walang mali sa ginawa ko. Gusto kong sabihin sa kanya na ayokong ipagbawal niya sa ‘kin ang makipag-usap sa iba dahil hindi iyon pwede. “Okay, I’ll accept your reason for now. But next time ay ayoko nang nakikita kitang may kausap ka na lalake. Got it?” Tumango na lamang ako sa sinabi niya. Hindi naman ako nangangamba dahil bukod kay Marco ay wala na akong kakilala pa na lalake sa Maynila. *** SUMUNOD na araw ay naging normal na ang lahat. Hindi na ako muling kinulong ni Trevor at napapansin kong tila bumabawi ito sa ‘kin. He’s being extra sweet to me na nagustuhan ko naman at pilit lamang tinatago ang kilig. Mabilis pang lumipas ang mga araw. Nakabalik na kami sa Maynila at pumasok na rin ako sa naiwang trabaho. “I’ll fetch you later after your work. Good bye, wife,” aniya at hinalikan ako sa aking pisngi. Supil ko naman ang ngiting lumabas ako sa sasakyan niya at naglakad papunta sa departamento namin. *** “SIS! Ang tagal mong nawala. Kwento ka naman,” bungad sa ‘kin ni Margaux pagkapasok ko sa faculty room. Natawa ako. “Wala namang espesyal na nangyari, Margaux.” Bukod sa pagpapakasal ko. Gusto ko sanang idagdag ngunit mas pinili ko na lamang ‘wag sabihin katulad ng napagkasunduan namin ni Trevor na ‘wag na muna iyong sasabihin sa iba. “Alam mo, girl, ang swerte mo! Sa kalagitnaan ng school year ay nakapagbakasyon ka! Sabihin mo kasama mo lang si Marco!” Ngumuso ito, mababahiran ng selos ang boses niya. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pag-irap niya dahilan para mas lalo akong mapahalakhak. Patay na patay talaga siya kay Marco. Napa-iling ako. “Ano ka ba, Margaux, hindi ah! Ba’t naman ako magbabakasyon kasama ang doctor na ‘yon?” agarang tanggi ko. Paano kong makakasama si Marco na maging ito nga ay nabigla sa pagbabakasyon ko. At isa pa’y imposibleng magbakasyon ako na kasama ang huli dahil maging ito ay abala rin sa kanyang trabaho. “Basta akin lang si Marco, ah,” tanging nasabi na lamang nito. Hindi ko na napigilan ang paglakas ng halakhak ko. *** NAGING mabilis ang oras. Natapos ang araw na naging abala ako dahil sa naiwan kong trabaho. Nakakapagod but it's worth it dahil sa sweet messages na natanggap ko kanina kay Trevor. Naupo ako at pinikit ang aking mata. Katatapos pa lamang ng panghuling klase ko para sa araw na ito. Hindi pa man ako tuluyang nakakapagpahinga nang siya namang tunog ng telepono ko. “Nay!” nasasabik na bati ko sa kabilang linya nang makita kung sino ang tumatawag. Bigla akong nasabik dahil matagal na rin nung huli ko silang makausap. “Kamusta anak? Ang pagbabakasyon mo? Balita ko kay Marco, nagbakasyon ka nga raw.” Bigla akong nakadama ng konsensya sa hindi ko pagpaalam sa kanila. Tumikhim ako. “N-nay, pasensya na ho kung hindi ako nakapagpaalam. B-biglaan ho kasi.” I bit my lower lip. Ang hirap maghabi ng mga salita kapag magulang na ang pagsisinungalingan. “Ay naku! Ayos lang anak. Basta ba'y siguraduhin mo lang na hindi lalake ang kasama mo sa pagbabakasyon.” Paghalakhak ni nanay sa kabilang linya. Natigilan ako. Muli akong inatake ng konsenya. Paano ko pa sasabihin sa kanila ang pagpapakasal ko kung gayon ay ayaw na nilang sumasama ako sa mga lalake? “Natahimik ka anak? Ayos ka lang ba?” Tila natauhan ako nang marinig ang boses ni Nanay. I cleared my throat and nodded kahit hindi niya nakikita.  “P-pagod lang ho ako. Sige nay, tatawagan ko na lang po kayo mamaya.” “O siya, mag-iingat ka r’yan, ha?” Nang maputol ang tawag ay nalunod na ako sa malalim na pag-iisip. Paano ko sa kanila ipapaalam ito? Paano ko sasabihin ang sitwasyon ko? Paniguradong madidismaya sila sa akin. Ngunit hindi ko naman pwedeng ilihim dahil mali ang bagay na ‘yon. Napabuntonghininga ako at sumubsob sa mesa. Alas kwatro na at wala na akong klase ngunit napagkasunduan namin ni Trevor na susunduin niya ako ng alas singko kaya maghihintay muna ako dito ng tawag niya kapag nasa labas na siya. *** “ELEYNA!” Tila naalimpungatan ako sa biglaang pagtawag at tapik sa ‘kin ni Margaux. Ayoko sanang tumugon dahil biglang kumirot ang sintido ko kung hindi lamang dahil sa kung may ano siyang sinasabi. “Eleyna, may bisita ka. Ano ba!” tila kinikilig na aniya. Nagawa pa ako nitong sundutin sa tagiliran dahilan para iangat ko ang aking ulo. “Bumangon ka nga r'yan. Ito na ‘yong pagkakataon na hinihintay ko. Dali na. Pakilala mo na ako kay Marco at sabihin mong single ako,” hagikhik na bulong niya ngunit hindi ko na iyon inintindi dahil bigla akong naalarma sa pangalan nabanggit niya. Nilibot ko ang tingin sa buong faculty room at bumungad sa ‘kin ang may malawak na ngiti na si Marco. “How are you, Eleyna? I miss you, you know!" aniya at dinaluhan ako ng yakap. “M-marco, anong ginagawa mo dito?” alanganing saad ko. Ngumuso ito at pabirong inirapan ako. “I’ve just heard na dumating ka na, so, I came here to see you. C'mon, Eleyna, samahan mo ako.” “T-teka lang naman, Marco.” Protesta ko nang hilahin ako palabas ng faculty room. Naiwan naman sa loob si Margaux na halos pumupuso na ang mata kakatitig kay Marco. Kinawayan ko na lamang ito saka pilit na ngumiti. *** “WHAT do you want to eat?” Kanina pa ako sulyap nang sulyap sa aking telepono dahil kanina pa ito tunog nng tunog. Alas syete na ng gabi at panay na ang tawag sa ‘kin ni Trevor. Hindi ko naman inaasahan na magtatagal kami ni Marco dito sa labas. “Eleyna, hey.” Marco snapped his finger. “Ha? I-I’m sorry, Marco.” Napayuko ako. Hindi ko magawang mag-focus. Nag-aalala ako. “You’re spacing out. Are you okay?” Akmang sasagot ako nang muling tumunog ang telepono ko. Alanganing ngiti ang itinugon ko kay Marco before I excused my self at lumabas ng resto upang sagutin ang tawag ng asawa ko. “Where are you, Eleyna? May usapan tayong alas singko kita susunduin ‘di’ba?” kalmado ang boses na ani Trevor sa kabilang linya na naging dahilan ng pagkapanatag ko na rin. Tila nakahinga ako ng maluwag dahil doon. “Trevor kasi—” tumungo ako. I even bit my lower lip, hindi alam ang sasabihing sunod. Kung paano maipapaliwanag na kasama ko ngayon ang kababata ko. “L-lumabas ako kasama si Mar—” “With your friend Margaux?” putol niya sa ‘kin. Napabuga ako ng hangin. Paano ko ba sasabihin sa kanya na si Marco ang kasama ko at hindi si Margaux? Hindi na rin ako magtataka kung paano niya nakilala ang mga taong nakapaligid sa'kin. Binabakuran niya ako! “Trevor hi—” He cut me off again. “Are you sure, you’re not lying? Sigurado ka bang si Margaux lang ang kasama mo at wala nang iba?” Goddammit! Wala akong sinabi na si Margaux ang kasama ko. Ngunit paano ko naman ito maipapaliwanag sa kanya? For sure he'll gonna be furious once he learned kung sino ang kasama ko sa mga oras na ito. Sa hindi ko pa nga lang kakilalang lalake ay nagagalit na siya. Ano pa kaya kapag si Marco na? Akmang ibubuka ko na ang aking mga labi upang sagutin ang tanong niya nang siya namang sulpot ni Marco sa likuran ko. Napapikit ako sa kaba a inis. Ewan! Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. “Hey, the foods are ready, Leyn,” ani Marco at tinapik ako sa balikat ko. Natataranta namang tinakpan ko ang speaker ng telepono ko dahil sa takot na baka marinig at malaman ni Trevor na may kasama akong lalake. “What's taking you so long? C’mon, Eleyna, I’m famished,” dagdag pa ni Marco, hindi pansin ang tensyong nararamdaman ko. “S-susunod na lang ako, Marco.” Nangunot ang noo nito, tila nagtataka sa pagkautal ko pero hindi na nag-usisa pa. Tumango na lamang ito saka bumalik sa loob. Nang makaalis si Marco ay binalik ko ang aking atensyon kay Trevor. “Trevor, I’m sorry but I...I have to go,” ani ko at agad na pinatay ang tawag, hindi na hinintay pa ang sagot niya. Napabuga ako ng hangin. Kaylangan kong tawagan si Margaux at papuntahin dito. Paniguradong matutuwa ‘yon dahil narito si Marco. Nakaka-ilang ring pa lang nang i-dial ko ang numero ni Margaux nang sagutin niya agad ito. “Oh? Mang-iinggit ka dahil kasama mo ngayon si Marco? I hate you! ‘Di mo ako pinakilala kanina! ” Bahagya akong natawa sa pagsusungit nito. “Heto na nga. Gusto mong ipakilala kita sa kanya ‘di’ba? Puntahan mo kami dito—” Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil nagtitili na ito sa kabilang linya dahilan para mapa-ngiwi ako. “Oh my God! Seryoso? Seryoso ka d’yan, girl, ha? Wala nang bawian! Oh my God talaga! Marco my loves here I come!” Sa kabila ng tensyong aking nararamdaman ay bahagyang gumaan ang loob ko sa kabaliwan ni Margaux. “Oo nga. Ayaw mo? Pwede ko naman bawiin—” “Ay anu ba ‘yan! Wala nang bawian! Heto na nga papunta na! Just text me the address, okay? Bye Eleyna! Thank you!” anito at binaba ang tawag. Naiiling na lamang akong itinipa ang address at ni-send ‘yon sa kanya. Nang matapos ay humugot ako ng hininga bago ako bumalik sa loob ng resto. Nakatungo akong naglakad sa mesa namin ni Marco.   “Atlast!” Binitiwan ni Marco ang hawak niyang cellphone nang makita ako. *** NASA kalagitnaan kami ng pag-kain nang muling tumunog ang telepono ko.  Dahil sa sabik na baka si Margaux ito ay agad kong sinagot ang tawag. I excused myself at Marco saka nagtungo sa wash room at doon ang sinagot ang tawag. “Hi Margaux, nasaan ka n—” “Are you that enjoying his company that you didn't notice my presence, wife?" Natigilan ako. Biglang dinagundong ng kaba ang dibdib ko nang marinig ang boses sa kabilang linya. Nanghihinang napasandal ako sa pader at nabitawan ang telepono ko. Natatakot ako at galit na naman si Trevor. Wala sa sariling naglakad ako papunta sa sink at naghilamos. Tinitigan ko ang sarili sa harap ng salamin at hindi maitatanggi ang takot na nararamdaman ko.   Matapos ang ilang minuto ay napagdesisyunan kong lumabas na mula sa wash room. Kinakabahan pa rin ako ngunit hindi na gaano. Nakatungong pinihit ko ang knob papalabas nang siya namang may huminto na isang pares ng sapatos sa harapan ko. Dahan-dahan kong inangat ang aking paningin at tuluyan na akong kinain ng takot at kaba. Nanginig ang buong sistema ko at hindi ko na alam kung anong mararamdaman pa. Nagtama ang aming paningin. His tantalizing eyes that piece through me mirrored angriness.  His jaw's clenching and his breathing was rugged. “Answer me, Eleyna. God dammit! You enjoyed his company that much kaya nakuha mo akong pagsinungalingan? Kanina ko pa kayo pinagmamasdan and I asked you for how many times kung sino ang kasama mo ngunit napili mong magsinungaling!" Hinaklit nito ang braso ko at itinulak ako sa pader. “T-Trevor.” Sobra-sobra na ang takot na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Matindi pa ito sa takot na naramdaman ko noon sa batangas. Doon ay alam kong wala akong kasalanan ngunit sa pagkakataon ito, alam kong may mali ako. “There's no more valid reasons para hindi ka makawala sa ‘kin. Finish your dinner with that guy, Eleyna, because this will be the last time na makakasama mo siya. You better enjoy it,” aniya at tinalikuran ako. Tumulo ang mga luha ko. Alam kong may ibig pakahulugan ang sinabi niya at natatakot ako na baka muli niya akong ikulong at itali sa kadena.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD