Nagpaalam
“TREVOR, please put me down.” Wala nang tigil sa pag-agos ang aking mga luha nang hablutin ako ni Trevor at iuwi sa private resort. Nanginginig ako sa takot dahil sa nakikita kong galit sa mga mata niya. Sa loob ng lagpas isang linggong pagsasama namin sa villa ay wala siyang ibang pinakita sa ‘kin kundi ang pag-aalaga niya. Pero ngayon na galit na galit siya ay hindi ko alam ang gagawin ko. Pinapangunahan ako ng kaba.
“Shut it Eleyna! I didn't marry you para lang maagaw ng iba!” Padabog nitong binuksan ang pintuan ng kwarto nang makarating sa villa at pabalibag akong inihiga sa kama.
“Trevor, maniwala ka. Hindi ko kilala ang lalake kanina,” hikbi ko. Umiling ako at niyakap siya. Sa kabila ng takot ko ay pinili ko pa rin pakalmahin siya. Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya at isinubsob ko ang aking mukha sa dibdib niya. Ilang segundo pa ang lumipas at ang mabibigat na paghinga nito ay bumalik na sa normal. He heaved a sighed at kinalas ang aking braso na nakayakap sa kanya.
“Trevor…” Tiningala ko siya.
Pumikit ito at umiling. Nakaigting din ang kanyang panga. “I’m sorry. I’m sorry, wife.” He kissed my forehead at niyakap ako ng mahigpit.
Sa kabila ng takot ay napangiti na rin ako. Niyakap ko rin siya ng mahigpit. Ngunit ang akala kong ayos na ay hindi pa pala dahil nagulat na lamang ako sa sunod niyang ginawa. Kinalas niya ang yakap sa ‘kin at may kung ano itong kinuha sa closet. At gan’on na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang makita kung ano ito.
“T-Trevor,” ani ko at umiling, nakatuon na ang paningin sa kadenang hawak niya. Napaatras na rin ako sa takot nang magsimula siya sa paglalakad papunta sa ‘kin.
“I have a visitor tonight,” malamig na aniya. “I want you to stay here in our room. After what I saw kanina ay wala na akong tiwala sa iba,” dagdag niya at tinulak ako pabalik sa kama. Halos mapatili ako nang hilahin niya ang kanang binti ko at doon niya inilagay ang kadena.
“T-Trevor, wag mong gawin ‘to. Pakiusap.” Sinubukan kong tabigin ang kamay niya ngunit pinukol niya lamang ako ng malamig niyang titig. Nagpumiglas ako ngunit kusa akong natigilan nang marinig ko ang pagmumura niya.
“Stay still Eleyna. Pakakawalan lang kita kapag nagtanda ka na. May asawa ka na, ngunit nakikipag-usap ka pa sa ibang lalake. I hate the idea that you are entertaining another man! Gusto ko na nasa sa akin lamang ang atensyon mo. Ako lamang ang kakausapin mo. Bear that in your mind, wife!” galit na galit na aniya.
Napaamang ako, gulat sa mga sinabi at inakto niya. Oh my God. What have I done? Hindi ko kilala ang Trevor na kasama ko ngayon. O talagang hindi ko siya kilala sa una pa lang?
“Trevor please—” ani ko sa huling pagkakataon pero umakto lamang itong walang narinig saka ako tinalikuran at sinarhan ang pinto. Napahagulhol na lamang ako nang marinig ko ang pagtunog ng lock nito.
Iyak lamang ako nang iyak dahil sa ginawa niya. Nakatuon ang mga mata ko sa kadenang nakatali sa binti ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. I tried to unlock it but to no avail, hindi iyon mabubuksan hangga’t walang susing gagamitin. Namumula na ang balat ko sa binti ko dahil sa higpit ng pagkakatali ng kadena ditto.
‘You’re impossible, Trevor! Hindi ko akalaing magagawa mo to sa ‘kin’ naibulong ko sa aking isip.
***
NAGISING ako nang maramdaman ko ang marahang paghaplos sa aking pisngi. Unti-unti kong idinilat ang talukap ng aking mga mata at tumambad sa ‘kin si Trevor. Seryoso lamang itong nakatitig sa ‘kin. Naka-unan ako sa mga hita niya habang marahan nitong hinahaplos ang pisngi ko at buhok.
“Ipinagluto kita ng hapunan. Let’s eat?” mahinang aniya.
I averted my gaze. Ayokong tingnan at pagmasdan ang maamo niyang mukha. His angelic face that deceived me once. Beyond his mask; he's a devil. Nagtatago lamang siya sa kanyang maskara ngunit ang totoo ay may kademonyohang natatago sa pagkatao niya.
“Hindi ako gutom,” mahina ngunit malamig na usal ko at bumangon mula sa kama.
Narinig ko ang paghugot nito ng hininga. “I didn’t asked you if you are hungry or not. Ang sabi ko’y ipinagluto kita ng hapunan at dapat kainin mo iyon. Don’t waste my effort, Eleyna.” Marahan nitong inalis ang pagkaka-unan ko sa kanya at tumayo. He held me on my chin and stare at me, directly on my eyes. I want to avert my gaze on something. Ayokong titigan ng matagal ang mga mata niya. Nasasaktan lamang ako.
“Akala ko ba ay bawal akong lumabas at baka makita ako ng bisita mo?” ani ko, puno ng pangamba lalo na’t nararamdaman ko ang mariing titig niya sa ‘kin. Kahit hindi itanong, alam kong galit pa rin siya sa nangyari kanina sa bayan. Dahil kung hindi ay pinakawalan niya na sana ako dito.
“Who says you’ll going to eat at the dining room? Dinala ko ang pagkain mo dito.” Binitiwan niya ang baba ko. Kita ko sa gilid ng mata ko ang pagpilig niya sa bed side table at inabot doon ang tray ng pagkain.
“Eat up, Eleyna,” anito at umupo sa harapan ko.
***
“TREVOR, pakawalan mo ako dito!” pagmamakaawa ko. Gusto ko nang lumabas. Hanggang ngayon kasi ay narito pa rin ako sa aming silid. Tatlong araw na ang nakalilipas simula nang ikulong niya ako dito at hanggang ngayo'y hindi niya pa rin ako pinapalabas. Tatanggalin niya lamang ang kadena sa binti ko kapag banyo ang pupuntahan ko. Daig ko pa ang preso dahil sa turing niya sa 'kin.
“Have you already learn your mistakes? What lesson did you get from it?” ani ng kakapasok pa lamang sa silid na si Trevor. Nakapamulsa ito at matamang nakatungo ang ulo sa ‘kin. Dumukwang siya at itinapat ang kanyang mukha sa aking mukha. Inilagay niya ang ilang takas ng buhok ko sa aking teynga. “I’m asking you, Eleyna. What lesson did you get from your mistake?" dagdag niya pa.
“Pakawalan mo na ako, Trevor. Hirap na hirap na ako,” ani ko. Hindi ko akalain na magagawa niya ito sa ‘kin. Dahil lamang sa estrangherong ‘yon ay magagawa niya ito sa ‘kin. Kung tutuusin ay wala akong mali. Masyado lamang siyang nagpabulag sa galit niya.
“P-please.” Halos pumiyok na ako dahil sa pag-iyak at sigaw ko.
“I know, wife. I know,” aniya at hinalikan ako sa aking noo. Nagawa pa nitong haplusin ang aking pisngi at ginawaran niya rin ako ng marahang halik sa labi.
“Pakakawalan kita Eleyna but… in one condition.”
Tumangu-tango ako. Kahit ano pang hingin niyang kondisyon ay gagawin ko. Pakawalan niya lamang ako dahil totoong napapagod na ako sa sitwasyon kong ito.
“Don't talk with other man. That's my condition,” anas niya.
Nagsalubong ang mga kilay ko. “W-what?” tila hindi makapaniwalang tanong ko.
“You heard me, wife,” he said nonchalantly.
“P-pero, Trevor…” Hindi maaari ang gusto niya. Paano na lang si Marco? Ang kapatid kong lalake? Si tatay? Ang mga kasamahan ko sa trabaho? Saka wala akong ginagawang masama para gawin ang gusto niya.
“Well, then… I think I have no other choice but to tie you here until you learn from your mistakes.” Umiling ito. “Akala ko ay natuto ka na sa pagkakamali mo,” aniya saka lumabas ng kwarto.
Lumaylay ang balikat ko at muling nagsiunahan sa pagtulo ang mga luha ko. Ayoko na. Napapagod na ako. Nagkamali ako na nagtiwala kaagad ako sa kanya. He's so possessive at nakakasakal na. Kung tutuusin ay hindi pa naman namin gan’on kakilala ang isa’t isa ngunit umaakto na siya ng ganito.
‘Because he's your husband! And he’s just jealous and afraid that you might leave him!’ Kastigo ng kabilang parte ng isipan ko.
At iyon ang pagkakamali ko dito. Isang gabing may nangyari sa amin at kinabukasan ay kinasal ako sa kanya. Maaari naman akong tumanggi ngunit nagpadala ako sa damdamin ko. Nagpadala ako sa atraksyong nararamdaman ko sa kanya. And that's because of his angelic face. Masakit man tanggapin ngunit nagpalinlang ako sa kanya.
“Trevor, please. ‘I’m begging you,” pahabol na ani ko bago pa niya maisara ang pinto.
“No, Eleyna. Learn from your mistake first!” aniya saka sinara ang pinto.
Ano ba ang mali sa pakikipag-usap sa lalakeng nangangailangan ng tulong? Paano ako matututo sa pagkakamaling sinasabi niya kung sa pananaw ko ay wala akong ginawang masama?
***
DALAWANG araw pa ang nakalipas at kahit anong gawin kong pagpilit kay Trevor na tanggalin na ang kadena sa binto ko ay hindi siya pumapayag. Ang gusto niya lamang ay sumangayon ako sa kondisyon niyang wala na akong ibang kakausapin na lalake maliban sa kanya. He's being irrational!
“Trevor—” naputol ang dapat na pagsigaw ko nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang matanda. Bahid ang gulat sa itsura nito nang maabutan niya ako sa ganitong kalagayan.
“Sus maryusep! Anong nangyari sa 'yo, hija?!” Agad itong lumapit sa ‘kin at sinuri ang binti ko. “Diyos ko. Namamaga na iyang binti mo. Si Trevor ba ang may gawa sa ‘yo niyan?” sunod-sunod na tanong niya at may kung anong kinalkal sa mga drawer. Maya-maya pa ay may inilabas itong susi doon. Nakahinga ako ng maluwag nang makita iyon. Malakas ang kutob ko na i'yon ang susi para sa kadena sa binti ko.
“Pinapahirapan ka ba ni Trevor, hija? Ano ang kaugnayan mo sa kanya at nagawa niya ito sa ‘yo?” kunot noong tanong nito at napapailing kada susubukan niya ang mga susi sa kandado ngunit hindi nabubuksan.
“Ba’t ayaw nitong bumukas?!” mahinang aniya. Tiningala ako nito at napabuntonghininga.
Halos mawalan na rin ako ng pag-asa pero mayamaya ay napangiti ito sa ‘kin nang sa wakas ay nawala na ang lock sa kadena. Hindi ko maiwasang mapadaing nang subukan kong igalaw ang paa ko. Marahil ay nangalay ito sa tagal ng pagkakatali.
“Ah!” Hindi ko maiwasang mapangiwi nang muli kong subukang igalaw ang binti ko.
Mukhang nataranta naman ang matanda at dali-dali itong tumayo. “Teka lang hija, kukuha lang ako ng maaring igamot d'yan,” aniya at nagmamdaling lumabas ng kwarto.
Pakalipas lamang ng ilang minuto ay may dala na itong cold compress at pinatong sa namamaga kong binti. Muli akong napadaing dahil doon.
“Grabe ba ang sakit?” tumango ako. Nailing naman ito. “Pasaway talaga ang batang ‘yon,” naiiling na anito.
“S-salamat ho.” Kabastusan man ay hindi ko na kinausap ang matanda at nahiga na lamang sa kama. Akmang ipipikit ko na aking mga mata nang muli na naman itong nagsalita.
“Ano mo nga si Trevor, hija? Naku! Mabuti na lang talaga at pinapunta niya ako dito. Kung hindi, ‘di ko makikita ang kalagayan mo."
“A-asawa niya po ako," mahinang tugon ko, nakabaling ang tingin sa ibang direksyon. Ngunit nang wala man lang akong makuhang tugon mula sa matanda ay nilingon ko ito.
Nailing ito at bumuga ng hangin. “Marahil may pinagselosan ang batang ‘yon kaya ganito ang nangyari,” aniya, tila hindi na bago sa kanya ang naabutan niya.
Natigilan ako. "Ano pong ibig ninyong sabihin?”
“Kilala ko na ang asawa mo mula pagkabata. Ako ang nagpalaki sa kanya dahil ang mga magulang niya ay parating wala. Selosong bata si Trevor. Pagdating sa pag-aari niya ay ginagawa niya ang lahat para hindi ito maagaw mula sa kanya. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit niya nagawa ang bagay na ‘to. Nakakatampo lang dahil hindi niya ako inimbitahan sa kasal niya.” Iling nito.
“O baka naman ay pribado talaga ang kasal ninyong dalawa dahil maging ang magulang at mga kamag-anak at kaibigan niya ay walang alam dito,” dagdag pa nito, naiiling tila may naalala. "Napakamalihim talaga ng batang iyon.”
Nagpatuloy sa pagkwento ang matanda at marami akong nalaman mula sa kanya na may mga kinalaman kay Trevor. Pero bukod doon ay nagpakilala siya sa ‘kin at sinabi ko na rin ang pangalan ko. Ayon sa kanya’y noong bata pa lamang si Trevor ay madalas itong tahimik lamang.
“Hindi na ako magtataka kung bakit pinagbabawalan ka ni Trevor makisalamuha sa mga lalake.”
Nakwento ko kasi kay Manang Nenita ang dahilan kung bakit iyon nagawa sa ‘kin ni Trevor.
“Maganda ka hija. Maging iba man kung nagkataon ang iyong nobyo, ay tiyak gagawin din ang bagay na ‘yon. Takot na lamang nila na maagaw ka sa kanila." Paghalakhak nito.
Hindi sa nagmamayabang pero may punto ang matanda. May parte sa isipan ko na nakukuha ang punto niya dahil katulad ni Trevor, gano’n din sa ‘kin ang kababata kong si Marco. Halos ayaw din ako nitong palapitin sa mga lalake. Kaya nga ay ayaw akong ipakilala ng huli sa mga kaibigan niya. Ngunit hindi ko rin maitatangging may parte rin sa ‘kin na tumututol dahil maling-mali na kulungin at ikadena ako ni Trevor na parang aso.
“Hindi ko lamang po maintindihan si Trevor, manang. Bakit kaylangan niya pa akong kadenahin? Gan’on ba siya katakot na makuha ako ng iba? Heto’t nakatali na nga ako sa kanya.”
Inabot ni Manang Nenita ang kamay ko at pinisil. "Hindi ko masasagot ang tanong mo hija, pero isa lamang ang masasabi ko. Maswerte ka kapag pinagdadamot ka ni Trevor sa iba. Ibig sabihin lamang nu’n ay gustong-gusto ka niya. Kung sakali man na dumating ang araw na maramdaman mong binabalewala ka niya, doon mo lang masasabi na ayaw niya na sa ‘yo.”
May parte sa sinabi ni manang na nagpakalabog ng malakas sa didbidb ko. Ngunit hindi ko rin maiwasan mangamba. Nalilito pa rin at bakit pinakasalan niya ako. Maaari bang dahil espesyal ako sa kanya? Ngunit hindi iyon sapat na rason para ibigay niya sa ‘kin ang pangalan niya. Sagrado ang pagpapakasal. At paano na lamang kapag nangyari ang huling bagay na sinabi ni Manang? Paano kung magsawa na sa ‘kin si Trevor? Paano ako? Paniguradong ako ang talo sa huli dito.
“Magpahinga ka na muna, hija. Maiwan na muna kita at magluluto ako ng hapunan natin.” Bitbit ang pinanggamot sa binti ko’y lumabas na ang matanda.
“M-manang, si Trevor ho pala?” pahabol na tanong ko. Nagtataka lamang ako at kanina ko pang hindi nakikita ang asawa ko.
“Hindi ba nagpaalam sa iyo, Eleyna, hija? Bumalik paluwas ng Maynila kanina. May aasikasuhin daw sa kompanya.”
Natigilan ako.
“Hindi ba siya nagpaalam sa'yo?” ulit na tanong nito.
Umiling ako, hindi alam kung ano ang mararamdaman ko.