Kabanata 5

2409 Words
Ikulong NAGISING ako kinabukasan ng may pagtataka hindi dahil sa hindi ako nasa pamilyar na silid. I am wondering why there are two gays here in the room, sitting on the edge of the bed. They are both smiling at me when my gaze bore at them. “Glad you are already awake, Miss Eleyna. Maligo na ho kayo para maayusan na namin kayo,” malawak ang ngiting ani ng isa sa kanila. His hair were dye of a color pink and it suits him. Habang ang kasama naman n’ya’y maypagka abo ang kulay. My forehead creased. Nagtaka ako dahil bukod sa sinabi nila ay hindi ko sila kilala.  “T-teka… a-anong ginagawa ninyo dito? Sino kayo…? saka anong meron?” sunod-sunod na tanong ko, hindi komportable sa kanila. “This is your special day, Miss. Every woman’s are waiting for this day to happen to them.” Ngiti ng abo ang kulay ng buhok at lumapit sa ‘kin, halatang kinikilig. Inalalayan niya ako sa pagbangon at tinulak ng marahan patungo sa banyo. Bigla naman akong napangiwi dahil sa kirot na naramdaman ko sa pagitan ng mga hita ko. Dahil doon ay saka ko lamang napagtanto ang nangyari sa ‘min ni Trevor kagabi. Napapikit ako sa inis. Ang tanga ko, at bumigay ako sa kanya agad. Nang isarado nila ang pinto sa banyo ay malaya kong napagmasdan ang itsura ko sa salamin. May suot na akong over size shirt na umabot sa kalahati ng aking hita at panigurado akong kay Trevor. Pumula ang pisngi ko nang muling sumagi sa isipan ko ang nangyari sa ‘min kagabi. I didn’t know that he’s that wild. Natampal ko ang aking mga pisngi at napakurap-kurap. Ang landi mo lang, Eleyna! Bagaman nagtataka sa kung ano man nangyayari, ay naligo ako at hinayaang ayusan ng dalawang gay na naghihintay sa ‘kin sa kwarto. Pilit ko silang tinatanong kung ano ang nangyayari at kung anong meron ngunit tanging pag-iling lamang ang tugon nila sa ‘kin. Pinasuot nila ako ng puting dress na umabot lagpas sa aking tuhod at binigyan din nila ako ng puting rosas nang matapos sila at kuntento na sa itsura ko. Na siyang labis kong ipinagtaka. Halos hindi ko makilala ang sarili ko habang nakatitig ako ngayon sa salamin. Simple lamang ang kanilang ayos sa ‘kin ngunit hindi ko maitatangging nagustuhan ko ang pag-ayos nila sa ‘kin. Gone my angelic face and became fiercer. Sakto lamang ang pagkapula ng labi ko ngunit mas nadepina ang nipis nito. *** “YOU may now kiss your bride.” Tulala ako habang naramdamang idinadampi ni Trevor ang kanyang labi sa noo ko matapos akong halikan sa labi matapos ideklara ng judge na kami ay mag-asawa na.  Bigla akong napahikbi. Hindi dahil sa sayang nararamdaman. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa sitwasyon kong ito ngayon. Naging masyadong mabilis ang mga pangyayari para maikasal ako aagad sa isang Trevor Secorata. Oo, hindi ko itatanggi na gusto ko siya. Na lumalakas ang pag-t***k ng puso ko sa tuwing nar’yan o iniisip ko siya. Ngunit hindi iyon sapat na rason para ikasal ako agad sa kanya. Hindi ko pa siya gaanong kilala. Hindi pa naming lubusang kilala ang isa’t isa para humantong kami sa ganitong sitwasyon. “Congratulations!” dinig kong bati ng mga naka-saksi sa kasal naming dalawa, bakas ang saya sa mga boses nila. Bukod sa dalawang nag-ayos sa ‘kin kanina, isang lalakeng nagngangalang Enrique ang naging saksi ng kasal namin ngayon. Tulad ni Trevor, matikas din ang pangangatawan nito at halatang may sinabi sa buhay. Maalam din ito sa salitang tagalog kahit nangingibabaw ang dugong banyaga sa itsura niya. Beach wedding ang naging tema ng aming kasal. Ngunit kahit gaano kaganda ng paligid ay hindi ko ito magustuhan dahil lumilipad ang isip ko at puno iyon ng katanungan. Nalulungkot ako para sa sarili ko. Feels like I disappointed myself with this situation happening right now. Hindi ganito ang pinangarap kong kasal. Madami akong gustong mangyari at isa na doon ay ang ihahatid ako ng aking mga magulang sa altar habang naghihintay sa unahan ang mapapangasawa ko at si Marco, bilang best man. *** “ELEYNA,” dinig kong ani ng baritonong boses. Inilublob ko ang aking mga paa sa pool at hinayaang gumulo ang tubig dahil sa marahang paglaro ko doon. Hindi ko pinansin ang pagtabi sa 'kin ni Trevor. Dinig ko ang pagbuntonghininga nito. “B-bakit Trevor?” Nilingon ko siya. “Ang… ang bilis mo naman. Bakit kaylangang itali mo ako agad sa ‘yo?” puno ng hinanakit na tanong ko. Pakiramdam ko kasi ay hindi niya ginagaling ang p********e ko. Oo nga’t may nangyari sa ‘min kagabi. But that wasn’t enough for me para ikasal agad sa kanya. Napahikbi ako nang marinig ko ang kanyang muling pag-buntonghininga. Ngunit nanatili ang blangko niyang itsura nang lingunin ko siya. “I already told you last night that I want to marry you, Eleyna.” Nawalan ako ng imik. Gan’un na lang ba ‘yon? Dahil sa sinabi niya lang ay masusunod at mangyayari kaagad? Paano naman ang desisyon ko kung ganun? Wala ba akong karapatan tumanggi? Isa pa’y wala akong matandaan kagabi na sinabihan niya akong gusto niya akong pakasalan. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi bago napabuga ng hangin at pinunasan ang mga luha ko. Halos ilang oras na simula nang mangyari kanina ang kasal at ngayon pa lamang kami magkakausap na dalawa dahil talagang gulat pa ako kanina. Isa pa’y hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Masyado akong lutang sa kaalamang ikinasal ako ngunit wala ang aking pahintulot. “Paano ang mga magulang ko, Trevor? Hindi nila alam na ikinasal na ako. Ni hindi pa natin lubusan kilala ang isa't isa. Masyado tayong nagpadalos-dalos sa ginawa nating ‘to” “We will let them know as soon as we go back in Manila,” pambabalewang sabi niya sa huling sinabi ko. Nasa isang private resort kami somewhere in Batangas at mahina ang signal dito. Pili lamang ang lugar kung saan may malakas na signal. Hindi ko alam kung paano nangyari ‘yon. Marahil ay nasa liblib na parte na kami. Idinantay niya ang braso sa balikat ko at hinalikan ako sa noo dahilan upang kahit papaano ay mapanatag ako. “Let's go, wife?” puno ng suyo na aniya, malambing ang kanyang boses na talagang ako ay sadyang madadala. Inalalayan niya ako sa aking pagtayo at nagsimula na kaming maglakad pabalik sa villa. Hinaplos ko ang aking mga braso nang maramdaman ang lamig dahil sa pagtama ng hangin sa balat ko. Bahagya ring nilipad ang buhok ko dahil dito. Napatigil ako sa paglalakad at tiningala si Trevor nang tumigil din ito sa paglalakad at ginawaran ako ng yakap. Nasa gitna kami ngayon ng buhanginan. Habang ang tanging liwanag ay ang buwan. Tinitigan niya ako ng diretso sa aking mga mata at maya-maya ang pagdampi ng kanyang labi sa aking noo. “P-paano ang trabaho ko, Trev? Magtatagal pa ba tayo dito?" He nodded and renewed his hug. “Don’t worry about it. I’ll take care of it.” He smiled with assurance. *** “WHERE the hell are you, Eleyna Jacob?!” Napangiwi ako dahil sa pagsigaw ni Marco mula sa kabilang linya. Isang linggo na rin kasi ang nakakalipas at hindi pa rim kami bumabalik ni Trevor sa Maynila. Nag-eenjoy na rin naman kasi akong kasama siya at nakalimutan ko na ang responsibilidad na naiwan ko sa siyudad. Alam kong mabilis pero sa loob lamang ng isang linggo ay nahulog na ako kay Trevor. Masyado akong nadala sa mga titig, haplos at salita niya. “N-nasa bakasyon ako, Marco,” pagsisinungaling ko. Hindi ko pwedeng sabihin kay Marco ang pagpapakasal ko dahil alam kong tututol siya. Isa pa, wala ding nakakaalam sa mga kakilala ni Trevor na nagpakasal siya. Inililihim namin ito sa media dahil ayon sa kanya ay ayaw niyang gumulo ang buhay ko. “You're in vacation?” may bahid ng gulat sa boses na tanong nito. “Nasa kalagitnaan ng klase, Eleyna, and yet naisipan mong magbakasyon? Alam ba ito ng mga magulang mo?” sunod-sunod na tanong niya na tila bata ang kausap niya. “Don’t worry about it, Marco. I’m on leave. Nakapagpaalam na ako kay Mister Park. At oo, alam na rin ng mga magulang ko so you have nothing to worry about.” Thanks to Trevor. Siya ang gumawa ng paraan para ipagpaalam ako sa mismong may-ari ng school na payagan akong magbakasyon dahil sa totoo lang ay imposibleng payagan ako kung sa ibang pagkakataon lamang ito. Hindi ko alam kung anong klaseng paliwanag ang ginawa niya pero napapayag niya ito. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na hindi niya sinabi dito na nagpakasal kaming dalawa. Noong isang araw din ay tinawagan ko ang mga magulang ko. Pabor naman iyon sa kanila. Ngunit nakukonsensya pa rin ako dahil hindi nila alam ang totoong dahilan ng pagbakasyon ko. “Just make sure of it, Eleyna. Malaman ko lang na may ginagawa kang kalokohan, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko.” Tumango ako kahit hindi niya nakikita. Bahagya ko ring tinapik ang dibdib ko nang makaramdam ng kaba. Ilang sandali pa ay nagpaalam na ako kay Marco at ibinaba na ang tawag. Agad kong nilapitan si Trevor at niyakap ko siya mula sa kanyang likuran. Ibinaon ko ang aking mukha sa pagitan ng kanyang leeg at balikat. Bahagya pa akong napapikit nang malanghap ang pinaghalong natural niyang bango at ang kanyang mamahaling pabango. “It’s getting late. Sleep now, Eleyna.” He removed his glasses and massage the bridge of his nose. Hinila niya ako at pinaupo sa kandungan niya ng patagilid. “Ikaw? Hindi ka pa ba matutulog?” tanong ko at sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko at bahagyang hinilot ang sintido niya. Maghapon na kasi itong nakaharap sa laptop niya at kung may anu-anong inaasikaso. Mabuti na lamang ay malakas ang signal dito sa loob dahil maya't maya din ang pagkausap nito sa kung kanino sa telepono. “I’m almost done with this, Wife. Gusto kitang makasama maghapon bukas kaya tinatapos ko na,” malambing na aniya at hinalikan ako sa aking labi. Agad ko naman iyong tinugon hanggang sa naging malalim ang paghinang ng labi naming dalawa. Pinakandong niya ako paharap sa kanya ngunit tumayo din kaagad siya. Napakapit ako sa kanya ng mahigpit nang magsimula siyang maglakad sa kama. Dahan-dahan niya akong inihiga doon at pinalaliman ang aming halikan. I held on his neck and pulled him more on top of me. Naging mabilis naman ang mga kamay ni Trevor at itinukod iyon sa kanang gilid ko. Kumalas siya sa ‘kin at nginitian ako bago niya hinaplos ang kanang pisngi ko. Pumungay ang kanyang mga mata. “Sleep now, wife,” marahang aniya.  Imbis na makaramdamn ng pagkadismaya ay tila kiniliti pa ang aking sistema sa naging pagtawag niya. Inabot ni Trevor ang comforter at inilagay sa ‘kin. Muli niya akong dinampian ng halik sa labi bago ako tinalikuran. *** “HI!” Ngumiti ako pabalik sa lalakeng banyagang nasa harapan ko ngayon. Base pa lamang sa tsokolateng kulay ng buhok nito at asul na mga mata ay masasabi kong dayuhan ito. Isinama ako ngayon ni Trevor sa bayan para mamili dahil ubos na ang stocks namin sa Villa. Iniwan niya lang ako dito sa bench dahil ayaw niyang sumama pa ako sa kanya na makipagsiksikan. “Uh. I’m lost. Naliligaw ako. Pwede bang magtanong? Do you know the right way papunta dito?” uutal-utal na aniya, halatang nahihirapan sa pagbigkas ng lenggwaheng tagalog. “Ah…” nag-aalinlangang ani ko dahil hindi ko alam kung anong lugar ang tinutukoy niya sa maliit na papel na pinakita niya sa ‘kin. Hindi rin kasi ako pamilyar sa lugar na ito dahil sa isang linggo namin ni Trevor na pananatili dito, ay ngayon lamang ako nakalabas ng resort. “I’m sorry but I’m not familiar with this place. If you want, we can ask someone,” ani ko at nagpalingalinga upang maghanap ng mapagtatanungan. Gustuhin ko man kasi siyang tulungan ay baka pareho lang kaming maligaw. At isa pa, kabilinbilinan ni Trevor na ‘wag ako aalis dito sa bench na pinag-iwanan niya sa ‘kin. “Uh, maybe I’ll just wait my Filipina girlfriend here.” Napakamot sa batok ang estranghero. “Can I sit beside you though?” Tumango ako at umisod upang makaupo siya. Hindi niya na rin naman ako kinausap pa kaya hindi na rin ako umimik pa. Ilang minuto pa ang nakalilipas nang maramdaman kong may humaklit sa braso ko dahilan para mapadaing ako sa sakit. “"f**k off, man!” Nanlaki ang mata ko nang makita kung gaano nagtatangis ang bagang ni Trevor dahil sa galit. Ipinuwesto niya pa ako sa kanyang likuran saka nanlilisik ang matang ipinukol sa estranghero. Samantalang ang estranghero naman ay mukhang nagulat sa inasta ni Trevor. “E-easy dude. I’m not doing anything,” ani estranghero pero hindi na iyon inintindi ni Trevor dahil hinaklit niya na ako paalis doon. “T-trevor,” protesta ko nang makarating kami sa sasakyan niya at padabog nitong binuksan ang pinto at pinapasok ako sa loob. “Who was that man, Eleyna?! I told you just to sit there and wait for me!” naka-igting ang pangang anito at galit na pinukpok ang manibela. “T-trevor, h-hindi ko iyon kilala. Naupo lang doon ang lalake dahil may hinihintay siya,” tarantang ani ko, nagulat sa biglaang pagsabog ng aking asawa. Pinaharurot lamang ni Trevor ang sasakyan at hindi iniintindi ang paliwanag ko. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa steering wheel at mayamaya ang pagpukpok ditto. “T-Trevor…” I tried to approach him, but he just glared at me. Natatakot ako. Sa ilang araw na pagsasama namin ay ngayon niya lang ako pinakitaan ng galit niya. “I don’t care with your goddamn explanation, Eleyna! Starting today you are not allowed to talk with other men!” Inihinto nito ang sasakyan at dumukwang palapit sa ‘kin. Marahas niya akong hinalikan sa labi dahilan para mapasinghap ako. He get that opportunity to enter his tongue inside my mouth. Ramdam ko na rin ang tila kalawang sa labi ko. “T-Trevor.” I pushed him on his chest pero hinuli niya ang kamay ko at inilayo doon sa balikat niya. Bumaba ang labi niya sa leeg ko at doon ko naramdaman ang pagsipsip niya sa balat ko. Kumawala ang ungol sa mga labi ko dahil sa rahas ng ginawa niya. Matapos nun ay kusa na siyang humiwalay sa ‘kin. Pinaglandas niya ang kanyang kamay doon sa leeg ko at ngumisi. “You are mine, Eleyna. Bear that in your mind. Pag-aari kita,” he possessively said. Naghahabol pa rin ako ng hininga dahil sa kakapusan ng hangin dahil sa ginawa niya nang muli na naming dinagundong at nadoble ang aking kaba sa dibdib nang makita ko ang lamig at blangko niyang itsura. Hindi pa man ako nakakabawi sa mga sinabi niya nang muli niya na namang ibuka ang kanyang mga labi. “Akin ka lang! Kung kaylangan kitang ikulong para lang hindi ka maagaw sa 'kin, handa ko iyong gawin!" he said with a gritted teeth.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD