Nakapagpapigil “S-SORRY,” ani ko at iniiwas ang tingin kay Boss Hero. Hindi ko ininda ang pagpunas niya ng luha sa akin at dali-daling tumayo. Masyado na akong nakakahiya. Parati niya na lamang ako nakikitang umiiyak. Hindi ito pwede. Hindi ako nagiging professional sa trabaho ko. “Why are you saying sorry? Did you do something wrong?” malamig na aniya at tila walang pake na ibinulsa ang panyong pinangpunas niya sa ‘kin kanina. Umatras din ito ng bahagya at sumandal sa pader. Kahit nakatingin ako sa kanya’y lantaran ako nitong pinasadahan ng tingin. Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Nag-iwas lamang ako ng tingin at bumuga ng hangin. Katahimikan ang namagitan sa amin ng ilang segundo bago ko napagdesisyunang basagin iyon. “A-ano ho palang

