Makakalayas HILAM ang mga luhang nakaupo ako ngayon sa passenger seat sa sasakyan ni Marco. Panay ang kutkot ko sa aking mga kuko at maya maya ang pagbuntong hininga ko. Pasado alas dos na ng madaling araw ngunit pauwi pa lamang kami sa Siyudad—galing sa asawa kong kay Trevor. Na pinagsisihan ko ngayon at sana hindi ko na lamang ginawa dahil nasaktan lamang ako sa ginawa nito. Kahapon dahil sa pagpupumilit ko at pakikiusap kay Marco ay dinala nga ako nito kay Trevor. Lumuwas kami ng Siyudad kahit delikado at may posibilidad na maaksidente kami dahil sa malakas na ulan. Ngayon nga ay mas lalo pang nabasag ang puso ko at hilam na ng mga luha. Napabuga ako ng hangin at ipinikit ang mga mata. Pagod na ako perp pakiramdam ko ay hindi ko iyon maramdaman dahil mas mabigat a

