Hinigpitan HALOS kalahating oras lamang ang itinulog ko pagkarating namin ni Marco sa bahay. Hindi na ako nakatulog pa ng maayos at tahimik na lamang akong umiyak nang umiyak. Nasasaktan ako kasi galit na galit sa akin si Tatay. Ni hindi na ito makatingin sa akin ng diretso at puro masasakit na salita na lamang ang naririnig ko galing sa bibig niya. Namimiss ko na iyong dati. Na kung ituring ako dito sa bahay ay parang prinsesa. Pinunasan ko ang mga luha ko at bumangon ako sa kama. Nakatulala lamang ako hanggang sa unti-unti nang pumasok ang sinag ng araw sa bintana ng kwarto ko. Kung hindi pa ako nasilaw doon ay baka hindi pa ako tumayo sa kinauupuan ko. Humarap ako sa salamin at pagod na ngumiti. Namamaga na naman ang mga mata ko dahil sa kawalan ng tulog at pag-

