Feel again NAKAUPO lamang ako sa kanang hita ni Trevor habang nakabaon pa rin ang mukha ko sa leeg niya. Mahigpit ang mga yakap ko sa kanya habang nandidito na kami sa loob ng rest house niya. We are on the sofa for almost half an hour now. Walang namagitang pag-uusap. Yakap lamang namin ang isa’t isa. Ramdam ko rin ang maya’t mayang masuyong pagsuklay niya sa buhok ko. “I’ve miss you so much,” bulong ko. Wala naman akong nakuhang tugon maliban sa pagyakap niya sa akin ng mahigpit. “Y-you should… go home now, Eleyna,” mababa ang tono ng boses na sambit niya. Natigilan naman ako nang marinig iyon matapos ang ilang segundong katahimikan. Kumalas ako sa bisig niya at tiningala si Trevor. Umiling ako. Muli na namang pumatak ang mga luha ko. “A-ayoko. Please. Di

