Namayani ang mahabang katahimikan pagkatapos namin sabihin kina mama at papa ang plano namin pagpapakasal ni Kaden pagka-graduate ng Senior High. Tututol rin kaya sila katulad ni CEO Salvanas? Pero kasal naman kami para ipagpaliban pa nila ang planong iyon. Magkakahiwalay kami ng unibersidad kaya gusto ko naman malaman ng mga tagahanga niya na asawa ko na siya. Sa ganun ay magiging kampante ako habang hindi kami magkasama dahil may mapaghahawakan ako. Tumikhim si papa. "Pumapayag ako sa desisyon niyo magpakasal muli ni Sachi pagkatapos ng inyong parating na graduation." Seryosong seryoso na pagsang-ayon ni papa sa plano namin ni Kaden ngunit ramdam ko na tila may iba siyang pinoproblema. Humugot nang malalim na hininga si papa at malakas na pinakawalan iyon. "Dahil napunta na rin nam

