Napanganga ako sa pagkagulat at pagkamangha nang makita ang hindi pamilyar na mansyon. Humigpit naman ang hawak sa kamay ko ni Kaden marahil natatakot siya na pumunta kami rito ng walang pasabi. Kapag nagpaalam kasi kami ay sigurado ako na ipapatuloy nina mama ang pag-arte na isang ordinaryong tao. Kaya ito naisipan ko na supresahin sila sa bigla ko na lang pagbisita sa kanila. "Ano ka ba, Kaden! Ako bahala kina mama at papa." Natatawang suway ko sa kanya dahil kanina pa hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan ang aking asawa. Humugot muna ako nang malalim na hininga bago naglakas loob na pindutin ang doorbell. Lumipas ang mga limang segundo nang sumilip ang security guard na nagbabantay sa gate at tila kinikilala kaming dalawa. "Ma'am, Sir, sino po ang hanap nila?" Magalang at mapagmaty

