Pagkatapos ko aminin na magulang ko sila ay agad nagpaalam na si Kaden at nagmamadaling giniya ako paalis sa gitna ng selebrasyon. Hindi tuloy mawala sa isipan ko kung bakit kilala ng mga miyembro ng Board of Companies sina papa at mama. Pakiramdam ko tuloy ay may nililihim pa rin sila sa akin. Hindi ko maiwasan magdamdam sa kanila para paglihiman nila. Lalo na hindi man lang nila ako magawang kontakin mula ng iwanan nila ako sa pangangalaga ng mga Williams. Si Kuya Chiyu naman ay nang tumawag isa nang huli ko makausap. Malakas na napabuntong hininga si Kaden. "Your father is CEO Hanazawa of Yuchi Corporation. Second rank in Board of Companies." Biglang sambit ni Kaden kaya gulat na gulat na napalingon ako sa kanya. "Siya ang taong absent ngayon sa board meeting." "Eh? Si papa?" Nagugu

