Labis labis ang aking kaba nang tumigil ang aming sinasakyan. Senyales na nakarating na kami sa pagdadausan ng 35th Annual Celebration ng K.D. Group of Companies. Suot ko ang isang blue long dress na pinaresan ko ng kulay pilak na 2" stiletto. Naka-messed up bun naman ang medyo may kahabaan kong buhok at may suot na kwintas na ibinigay kanina lang ni Kaden. Simple pero elegante ang dating ng aking kabuuan para sa party na ito. Ganoon pa man ay hindi ako kampante na nababagay ako sa ganitong kalaking okasyon. Unang bumababa sa sasakyan si Kaden bago binuksan niya ako ng pinto sa aking tabi saka nakangising naglahad pa ng kamay sa aking harapan. "Let's go, Princess?" Pambobola pa sa akin ni Kaden para alisin ang aking abot abot na kaba. Humugot muna ako nang malalim na hininga bago nanging

