Nakarating kami ng bahay na walang ng muling pag-uusap. Pumalibot sa aming dalawa ang depressing at awkward na atmosphere. Kaya nang iparada niya ang sasakyan ay agad ko binuksan ang pinto nito at bumaba. Binilisan ko pa ang aking lakad papunta ng pintuan dahil sa labis na kagustuhan ko tumakas sa nakakailang na sitwasyon. Ngunit bago pa ako makapasok sa pinto ay naramdaman ko ang pagkapit ni Kaden sa aking kanang kamay. "I'm sorry, Sachi..." Paumanhin ni Kaden at ramdam na ramdam ko sa tono niya ang labis na pagsisisi. "Masyado lang ako nadala ng selos ko. Natatakot ako balang araw na iwanan mo ko at mas piliin mo si Jerron kaysa sa akin." Ginamit ko ang pagkakataon na iyon na yakapin si Kaden. Gusto ko maramdaman niya kung gaano ko na siya kamahal at hindi siya dapat matakot na may ib

