Natapos ang pagbabalik tanaw ni Kaden sa nakaraan. Hindi ko mapigilang mapaluha na nalaman ang malagim pangyayari nang ma-kidnap sila siyam na taon na nakakaraan. Ngayong naiitindihan ko na ang lahat ay tila nagsisisi ako sa ginawa ko kay Hannah. Si Kaden ang kanyang piniling dahilan para magpatuloy nang buhay pagkatapos nang lahat ng iyon. Bumalik tuloy sa aking alaala kung paano siya nakiusap at lumuhod sa aking harapan para ibigay ko sa kanya si Kaden. May dahilan ang pagiging desperada niya na makuha si Kaden mula sa akin. Naiitindihan ko na kung bakit sinasabi niya na hindi niya kayang mabuhay pa kapag nawala sa kanya si Kaden. Wala ako kaide-ideya sa kanyang pinagdaanan at mas inisip lang ang aking nasaktang damdamin. Kung alam ko lang... "S-S-Sachi..." Nag-aalalang sambit ni K

