***Nine years ago*** "Kaden!" Masayang bungad ni Hannah pagkapasok na pagkapasok niya sa opisina ng CEO ng Chiden Corporation. Napaangat naman ng tingin ang batang lalaki na bagot na bagot na naglalaro ng kanyang PSP habang nasa harap niya ang ama na abala na nagtratrabaho at pumipirma sa mga papeles na nakatambak sa kanyang mesa. "Ikaw na naman..." Iiling iling na komento ng batang Kaden kay Hannah. "Lagi ka na lang nandito sa opisina ni dad. It's very annoying." Napahalakhak naman ang ama ni Hannah na kakapasok lang rin sa opisina at may dalang isang makapal na folder. "Kaden, I think you like my daughter." Nakangising at nang-aasar na komento niya sa batang lalaki. "Sa mga ganyang edad ay minsan nahihiya sa babaeng nagugustuhan nila kaya minsan umaaasta sila na hindi interesado at

