Tuluyan na ngang sinira ni Kaden ang pagkakaibigan niya kay Hannah. Dapat maging masaya ako sa desisyon niya pero bakit hindi ko magawa. Marami pa rin tanong sa aking isipan na gusto kong makuha ang sagot. Anong ibig sabihin ni Kaden na inaalala niya ang kalagayan ni Hannah? Saka anong klaseng pangako ang ibinigay sa kanya ni Kaden? Hindi ko namalayan na napahawak ako sa aking ulo dahil sa malalim na pag-iisip. "Are you okay?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Kaden nang makapasok kami sa movie theater. Tumango ako at pilit na nginitian siya. "Medyo marami lang ako katanungan dahil sa nangyari." Pag-amin ko sa kanya. "Sa totoo lang gustung gusto ko magtanong pero alam ko kung saan ang limitasyon ko para manghimasok sa buhay mo." Pinat niya ang akinh ulunan bago malambing na niyakap at

