Ilang beses muli ako sinubukang kausapin ni Kaden pero naging sarado na ang aking isipan. Masyado na ako nasaktan at umasa sa kanya. Ito na lang ang aking paraan para matakasan ang masakit na realidad. Gayun pa man ay pilit na nanatili sa bahay si Kaden kaya ito ako ngayon nagkukulong sa aking kwarto para iwasan siya. Nagkataon pa kasi na weekend ngayon. Walang kaganang gana na nakahiga ako ngayon sa aking kama habang mahigpit na nakayakap sa paborito kong unan. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ngunit hindi na ako nag-abalang lingunin iyon. "Sachi, I need to go home." Nagmamadaling pagpapaalam sa akin ni Lila. "Inatake sa puso si lola at dinala nila sa ospital. Kailangan ko kumuha ng mga ilang gamit sa bahay at isunod kina mama." Agad akong napabangon sa narinig at nilapitan si Lila.

