Hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ni Hannah. Kampanteng kampante siya na hindi siya iiwanan nina Kaden at Jerron anuman ang mangyari. Sigurado ako na may pinaghahawakan siya sa dalawang lalaki. Kung ano iyon ay sila lang ang nakakaalam. "Mukhang walang balak na sumuko ni Hannah." Komento ni Lila habang nakalumbaba at nakatingin sa kawalan. "Pakiramdam ko ay hawak niya sa leeg ang asawa mo pati na rin si Jerron. Kahit anong pangungulit ang gawin natin kay Jerron ay wala siyang balak sabihin sa atin ang tungkol roon." "Pero masyadong weird ang pagka-obssess ni Hannah pagdating kay Kaden." Komento naman ni Harold sa gitna ng aming usapan. "Hindi na healthy kumbaga." Tinapik tapik ni Lila ang daliri niya sa ibabaw ng mesa. "Speaking of Kaden, hindi nagpakita ni anino niya. Umasa pa naman

