Katulad ng napag-usapan ay naisipan namin mamasyal nina Lila at Harold sa mall na malapit sa aming school. Kaya pala nagyayaya si Lila dahil may nakuha siyang gift certificates worth 10,000 mula sa kanyang ninang na mismong may-ari ng mall. Naghihinayang siya kung hindi ito magagamit kaya naisipan niyang mag-shopping escapades at isama ako. Iyon nga lang hindi niya inaasahan na sasama sa amin ngayon si Harold. "Sure ka gagamitin natin iyan?" Nag-aalangan kong sambit sa mga gift certificate ni Lila. "Sa iyo binigay iyan ng ninang mo di ba?" "Ano ka ba? Alam mo hindi ako mahilig mamasyal kaya masasayang ito kung hindi natin gagamitin ngayon." Pagdadahilan ni Lila. "Kaya enjoy ka lang diyan! Ako bahala sa gastos natin ngayon rito!" Nahihiyang napakamot na lang ako ng ulo at hinayaan na igi

