Inuwi ako nina Jiro, Kael at Yuan sa aking bahay. Dapat talaga ay sa ospital nila ako daldalhin pero nagpumilit ako na umuwi na lang kaysa pumunta ng ospital. Tingin ko naman ay malayo sa bituka ang natamo ko para i-admit nila ako sa ospital. Idagdag pa na hindi ako sanay sa amoy ng ospital kaya hanggang maaari ay iniiwasan ko iyon. Nang maiupo nila ako sa malaking sofa, aaminin ko na nilalagkit ako sa mga naghalong itlog, pintura at harina sa aking balat. Gusto ko man maligo ay nahihiya ako sa mga kasama kong lalaki sa bahay. Nahalata naman yata ni Jiro na hindi ako komportable sa paglalagkit ng aking katawan kaya kumuha siya ng palangganang may lamang tubig sa kusina at bimpo para gamiting ipampunas sa aking katawan. Magkakatulong pa nilang ginamot ang iilan kong natamong sugat. Mas mar

