"Chin up, Sachi!" Pag-cheer sa akin ni Lila habang sinasabayan ako sa pagpasok ng school. Sinunod ko naman ang sinabi niya at taas noong naglakad papasok. Katulad ng aking inaasahan ay naging sentro ako ng atensyon ng mga estudyante. Alam ko na naging trending ang pinost na picture ni Hannah at karamihan sa kanila ay inaakalang may relasyon na ang dalawa. "She's finally here!" "Wow! Acting strong huh!" "Maybe nagsawa na sa kanya si Kaden kaya pinagpalit siya kay Hannah." "She deserved it!" "Buti nga sa kanya!" "Lakas loob niya ring magpakita 'no?" Napakuyom ako ng kamay habang naririnig ang mga usap usapan ng mga kapwa kong estudyante. Gusto kong tumakbo umalis at magtago pero tama si Lila dapat hindi ko ipakita na talo ako. Ako ang biktima rito. Si Hannah dapat ang mahiya dahil pi

