Lumipas ang tatlong araw at walang pagbabago sa ginagawa ni Kaden. Maaga siyang umaalis at gabing gabi na dumadating. Buti na lang ay hindi iyon nahahalata nina Tita Yani dahil naging abala sila nitong nakaraang araw sa pamamalakad ng kanilang kompanya. Hindi ko maiwasang mapabuga ng malalim na hininga habang mag-isa lamang kumakain sa hapag kainan. Minsan ay sinasamahan ako ni Manang Lina pero ngayon ay aalis siya para umuwi sa kanyang pamilya. Nanganak kasi ang kanyang manugang sa ikatlong apo niya kaya pinag-day off ko muna siya ng isang linggo. Alam ko na gusto niya maalagaan ang kanyang manugang at kanyang mga apo. "Hija, may iniwan akong pagkain sa fridge. Initin mo na lang mamayang tanghali para may makain ka." Bilin pa sa akin ni Manang Lina bago tuluyang umalis. "Sige po Manan

