Pagkatapos namin mag-usap ni Jerron ay umuwi na rin ako. Pinakiusapan ko siya na huwag ipaalam kay Kaden na sinundan ko siya at nalaman ko ang kondisyon ni Hannah. Hihintayin ko na lang ang pagkakataon na siya ang mismo magsabi sa akin tungkol rito. "What? You both still have no plans?" Nagtatakang sambit ni Tita Yani nang ipaalam ko na ipagpaliban muna ang plano ng aming kasal. "Opo Tita." Paniniguro ko. "Kailangan ko rin po kasi mag-focus sa online entrance exam ko saka kailangan ko rin po magpadala ng requirements." Napabuga nang malalim na hininga si Tito Greg. "Sige, gagawan na lang namin ng paraan ni Yani kapag nagka-time na kayo magplano." Pagsang-ayon niya. Halata naman sa mukha ni Tita Yani ang pagtutol ngunit sa huli ay nakumbinsi siya ni Tito Greg na huwag muna kami pilitin

