CHAPTER 34 Nagkaroon kami ng rehearsal kanina at sinamahan ako ni Ninong. Double tuloy ang naging kaba ko dahil nandoon siya at pinapanood ako. Sa tuwing nand'yan siya sa audience at nakatutok sa akin ang kanyang mga mata ay parang hindi ako pwedeng magkamali. Si Tito Isidro naman ay may kasama ng ibang babae. 'Yong isa sa mga grupo ni Ninong kanina ang kasama niya. Umalis sila at hindi na kailangang magtanong kung ano man ang gagawin nila. “Amihan, kung gusto mong makisabay sa mamaya bumaba ka lang, ah? 'Wag kang mahihiya,” wika ni Cathy. Nakaakbay sa kanya ang soon to be husband niya. Mabait silang dalawa. Itong si Isaak ay kasing kulit lang din ni Tito Isidro. May party na gaganapin mamaya. Plano kong 'wag na sumama dahil gusto ko ng magpahinga. Kakanta lang naman sana ako bukas pag

