CHAPTER 33 “Amihan, akong bahala sa team natin. Magaling akong mag- volleyball. Dati akong mvp nung high school at college,” tinapik pa ni Tito Isidro ang aking balikat. Nagpasiya silang maglaro ng volleyball kasama na rin ang ibang mga bisita. Sa bawat team ay may apat na member. Dalawang babae at dalawang lalaki. Sa kasamaang palad ay magkaiba kami ng grupo ni Ninong Alejandro at kaming dalawa ng kapatid niya ang magkagrupo. Ang isang kasama naming lalaki ay si Erickson. Ang babae naman ay si Leony Anne. Hindi ko kilala ang isang babaeng kasama nila ni Ninong. Pero ang lalaking kasama niya ay ang groom. Ang bride ay nasa gilid lang at may hawak na phone. Nakatutok iyon sa aming lahat. May alam naman ako kung paano maglaro ng volleyball dahil isang beses ay sumali ako sa intrams

