CHAPTER 10 (WARNING: SOME SCENES ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK.) Pinaglaban ko kung ano ang tama. Ilang beses nila akong inalok ng pera para 'wag na akong magfile ng kaso sa kanila. Pero hindi. Hindi ako mabibili ng pera nila. Nabastos ako at kailangan may managot. I need justice, I don't need their money. Pinagmamalaki ng lalaki na kaya raw kaming bayaran ng Daddy niya. Kahit si Tito Isidro kanina pa napipikon at mas pinili na lang na tumahimik habang hinihintay namin na dumating ang Daddy nito. Nakuha pa nilang maglaro ng mobile games sa harapan namin at nagtatawanan pa silang tatlo. Mukhang sanay na sanay sila sa ganitong sitwasyon at ano? Binabayaran lang nila palagi ang mga biktima nila para tumahimik? Porke't may mga pera sila? Pwes, ibahin n

