CHAPTER 6

1510 Words
CHAPTER 6 Nakasunod ang tingin ko sa kanya hanggang sa hindi ko na siya makita. Nagkibit-balikat lang si Tito Isidro at nagpatuloy sa pagkwento niya. “Nagbibiro lang ako, ah? Sabihin mo lang kung hindi ka kumportable sa mga jokes ko, Amihan,” nakangiting sabi nito. “Ayos lang, Tito.” Nagbibiro lang naman siya. “Gaano kasakit ang magpatattoo ng ganyan karami, Tito?” tanong ni Ate at pinagkrus ang mga binti nito. “Sa unang beses lang ako medyo nasaktan. Pero nung sunod-sunod na nasanay na rin ang balat ko,” Ang lalaki ng mga tattoo niya sa katawan. Kapag nakapagtapos na ako sa pag-aaral pwede ko ng dagdagan ang tattoo ko. Minimalist lang. Ayaw ko sa malalaki. Bumalik si Ninong Alejandro at umupo ulit ito sa tabi ni Ate. Pumulupot agad ang kamay ni Ate sa braso niya at muling sinandal ang ulo nito sa balikat. Umiwas ako ng tingin. Sinubukan kong ituon ang aking atensyon kay Tito Isidro na nagsasalita pa rin. Akala ko ay matatapos ang gabi ng hindi kami magkakaroon ng interaksiyon ni Ninong bukod doon sa pagbati ko sa kanya nung dumating siya. Nakasanayan ko na ang magmano sa kanya sa tuwing unang pagkikita namin. Ngunit nang pumasok ako sa kusina upang kumuha ng dagdag na ice ay pumasok din ito sa loob. Ang hirap huminga ngayong nasa iisang lugar lang at kaming dalawa lang ang nandito. Binilisan ko ang aking mga kilos upang makaalis na doon. Akmang lalabas na ako nang hulihin niya ang aking siko at hinila ako pabalik sa kanya. “You like my sibling?” kumunot ang noo ko. Ano’ng pinagsasabi niya? “Huh?” “Kanina ko pa napapansin na madalas kayong nag-uusap,” At ano naman sa kanya kung madalas kaming mag-usap ng kapatid niya? Pakialam ba niya? “Ano naman kung madalas kaming mag-usap ni Tito Isidro? Wala namang nakapagsabi sa akin na bawal na pala akong makipag-usap sa kapatid mo, Ninong.” Nagsisimula ng uminit ang ulo ko. Baka hindi ako makapagpigil at mabuhos ko sa kanya lahat ng hinanaing ko. Nabilang ko kung ilang shot na ang nainom ko at umabot na iyon sa lima. Pero hindi pa naman ako lasing. I am still okay. Maayos pa rin akong mag-isip. “Don’t talk to him too much,” Mas lalo akong naguluhan. “Ninong, mawalang galang na po, ah? Pero wala pong pwedeng dumikta sa akin kung sino lang ang pwede kong kausapin. Kakausapin ko kung sino ang gusto kong kausapin at walang makakapigil sa akin,” “I’m jealous,” Nalaglag ang panga ko at nabitawan ko ang aking hawak na lalagyan ng ice. Tumama iyon sa sahig at naglikha ng malakas na tunog. “I hope it’s enough reason for you to stay away from my brother,” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis siya at iniwan akong mag-isa sa loob ng kusina. Nakatulala ako at nanatiling gulat mula sa aking mga narinig. Did he really say that? Wala ako sa aking sarili habang nililinis ang mga yelo na natapon at nagkalat ang lahat ng ‘yon sa sahig. Dumating si Mama at nagtanong ito. “Ano’ng nangyari dito, Amihan? Lasing kana ba? Ang tagal mo, kailangan na nila ang yelo doon,” may halong inis ang boses ni Mama. “Pasensya na, Ma. Lilinisin ko na po,” Si Mama na ang naghatid ng yelo sa kanila. Nagdalawang isip na ako kung babalik pa ba ako sa kanila. Nagtataka ako kung bakit sasabihin ‘yon sa akin ni Ninong. Nagseselos siya dahil nag-uusap kaming dalawa ng kapatid niya? Bakit siya magseselos? Hindi naman ako ang jowa niya! Si Ate Antoinette ang katabi niya! I don’t get it! Pero bumalik pa rin ako sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Tito Isidro at ngayon panay na ang sulyap ko kay Ninong Alejandro. Umiiwas na nga ako sa kanila tapos siya naman ‘tong lapit nang lapit sa akin at sasabihin pang nagseselos siya. Ganoon pa rin ang pwesto nilang dalawa. Kanina pa nakasandal si Ate sa balikat niya. Niloloko niya lang ba ang kapatid ko? And he is also trying to hit me! Babaero! “Amihan, ikaw na,” Hindi na ako tumanggi nang bigyan na naman ako ng isang basong alak ni Tito Isidro. “Lakas,” kumento nito nang tinungga ko lang ‘yon na parang tubig. “Malakas talaga uminom ‘yan. Halos lahat ng tropa niya mahilig uminom. Kung sana mas inuuna nilang pagbutihin ang pag-aaral nila, hindi ‘yong kung ano-ano lang ang ginagawa,” Lahat ng tao ay may kanya-kanyang kapasidad sa buhay. Kahit anong gawin kung pag-aaral kung hanggang d’yan lang ang kaya ng utak ko ay wala akong magagawa. Mapait akong ngumiti at gusto ko pang agawin ang shot na para na sana kay Tito Isidro. Naunang umakyat si Papa sa amin. “Umakyat na tayo. You’ll be sleeping in my room tonight nagpaalam na ako kay Mama at Papa at pumayag naman sila,” “Are you sleepy?” tanong niya kay Ate pero ang mga mata ay sa akin naman nakatutok. “Yeah, akyat na tayo,” May gumuhit na sakit sa aking puso nang marahang hinaplos ni Ate ang dibdib nito. Umiwas ako ng tingin at lumingon kay Tito Isidro sabay lahad sa aking baso. “Lagyan mo nga, Tito,” Napangisi ito pero nilagyan niya pa rin ang baso ko. “Umakyat na kayo, Kuya. Inaantok na si Antoinette. Uubusin lang namin ni Amihan ‘to. Susunod na lang kami sa inyo,” Isang lagok ko lang ang alak at padabog na binaba ang baso sa mesa. Kahit gaano pa kapait ang alak ay tila wala iyong lasa para sa akin. “Later. Tapusin na natin ‘yan, tulungan ko na kayo para mas mabilis na matapos,” Napatingin ako sa alak na natira. Kakabukas lang nun at kaunti pa lang ang bawas. “Inaantok na si Antoinette, Kuya. Mauna na kayo, kaya na namin ni Amihan ‘to. Ang lakas uminom ng buddy ko. Mauuna pa ata akong malasing kesa sa kanya,” Umakbay pa sa akin si Tito Isidro at tinapik-tapik ang balikat ko. Actually, medyo nakakaramdam na ako na tumatama na ang alak pero kaya ko pa namang ubusin ‘to kahit kaming dalawa lang ni Tito Isidro. “Oo nga. Nandito naman si Tito Isidro, hindi niya naman pababayaan si Amihan.” Hinawakan ni Ate ang panga ni Ninong at pilit iyong pinaharap sa kanya. “We have other business,” makahulugang sabi ni Ate. Humiyaw si Tito Isidro. Aasarin ko ba silang dalawa kahit nasasaktan ako? “Akyat na kayo, Kuya. We have other business daw, oh. Sige na, may business din kami ni Amihan dito,” “I’ll stay here with you. Uubusin natin ang alak na natira at sabay tayong papasok,” Napaawang ang labi ni Ate. Kahit ako ay hindi rin maitago ang pagkagulat sa aking mga mata. Inaaya na siyang umakyat ni Ate pero ayaw niya. Ano ba ang plano niya? Nakakalito na siya. “Kuya,” Tumayo si Tito at naglakad papalapit sa Kuya niya. “Umakyat na kayong dalawa at inaantok na si Antoinette.” Hinila niya patayo si Ninong kaya napatayo na rin si Ate. “Kung inaalala mo itong inaanak mo, akong bahala rito. Hindi pa naman ‘to nalalasing at papasok na kami sa oras na matapos naming inumin ‘to. Bilis na,” “Enjoy the night!” Hinila na siya ni Ate at kahit naglalakad na silang dalawa papunta sa loob ng bahay ay panay ang lingon niya sa aming direksiyon. Nang mawala silang dalawa ay mabilis kong kinuha ang bote ng alak. Nanginginig ang aking kamay habang binubuhos iyon sa aking baso. “Woah! Damn girl! Kalma ka lang! Bawasan mo ang dami naman! May balak ka bang sirain ang atay mo?” Hindi ko siya pinansin at tinungga ko na lang ang isang basong alak. “Kung makainom ka para kang broken-hearted! Isasama na kita sa inuman! Magtropa na tayong dalawa simula ngayon!” Nang matapos kaming uminom ay pumasok na kami sa loob. Ano kayang ginagawa nilang dalawa ngayon? Nasa climax na kaya sila? Hindi na maayos ang aking paglalakad dahil nahihilo na ako. Mas marami akong nainom kesa kay Tito Isidro. Hindi niya naman ako sinamahang uminom! Siya lang ang naglalagay ng alak sa baso ko at ako lang ang pinapainom niya! Tinatawanan niya lang ako kanina! Binuksan ko ang pinto ng aking kwarto at pumasok na ako sa loob. Madilim ang loob ng aking kwarto. Hinihila na ako ng aking kama pero maliligo pa ako. Inabot ko ang zipper ng aking damit sa likod at hinila iyon pababa. Hinubad ko ang aking damit at naiwan na lang ang aking panty. Maliligo na muna ako. Kinapa ko sa dingding ang switch ng ilaw at pinindot iyon para magkaroon ng liwanag sa aking kwarto. Napatalon ako nang bumungad sa akin ang isang pigura na nakaupo sa kama. Nakakrus ang braso sa dibdib niya. “Ninong? What are you doing here?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD