CHAPTER 5

1033 Words
CHAPTER 5 Isa na ata ito sa pinakamalungkot na pasko na naranasan ko sa buong buhay ko. Mas gugustuhin ko na lang na magkulong sa kwarto ko buong magdamag upang hindi ko sila makita. “Nagulat pa rin ako, Alejandro. Hindi ko akalain na ikaw ang magiging kasintahan nitong panganay ko. Hindi sa tutol ako sa inyo, pare, ah? Nakakagulat lang talaga,” Kasama ni Ninong Alejandro ang bunsong kapatid niya. Kumpara kay Ninong ay maingay ito at madalas na magbiro kaya nagtatawanan sila sa mesa. Naging mapait ang lasa ng fruit salad sa bawat subo ko. “Pa, nanligaw siya sa akin nung isang buwan. Ano pa ang papatagalin ko, ‘di ba? Kilala naman na siya ng pamilya natin,” Sa lahat ng pwedeng niyang ligawan ang Ate ko pa talaga? Paano kung malaman ni Ate ‘yong nangyari sa aming dalawa? Bakit si Ate pa? Pwede namang ako na lang. “Ako hindi rin ako tutol sa inyo. Hihintayin ko na lang kung kailan ang kasal n’yong dalawa. Sa pag-uwi nitong si Antoinette pwede na kayong magpakasal,” Napatingin ako sa kamay ni Ate. Kung paano niya hinawakan ang kamay ni Ninong na nakapatong sa ibabaw ng mesa. “’Yon nga rin ang plano ko, Ma. Pag-uwi ko ay magpapakasal na kaming dalawa,” nakangiting sabi ni Ate. Umiwas ako ng tingin at mas pinili na lang na yumuko at kumain. Katabi ko pala ngayon si Tito Isidro. Balewala lang ang paghihintay ko sa kanya ng ilang buwan. Umasa pa naman ako na magkakaroon na kami ng something dahil nga dun sa mainit na pagtatagpo namin. Pero nang bumalik naman siya ganitong balita ang sasalubong sa akin. Sana sa ilang buwan na hindi ko siya nakita mas mabuti pang ginamit ko na lang ang mga oras na ‘yon para magmove-on mula sa kanya. Jojowain niya lang pala itong kapatid ko. “Kailan ka lang nagpa tattoo?” napatingin ako kay Tito Isidro bago bumalik ang tingin ko sa aking gitnang daliri kung saan mayroong tattoo na rosas. “I got this tattoo when I was 18,” Buti pa ‘to kinakausap niya ako. Wala na naman kasing ibang bukam-bibig ang mga magulang ko kung hindi si Ate. May balak pa na pag-usapan na ang tungkol sa kasal. “Ang dami ng tattoo n’yo po. Saan d’yan ang pinakauna?” Marami kasing tattoo sa katawan itong si Tito Isidro. Bad boy ang aura niya. Nakasuot nga rin ng itim na damit at may butas-butas pa ang jeans na suot. Magkatulad pa kami ng style. “I can’t remember it. Matagal na kasi ‘yon, kinse lang ako nung una kong tattoo. Napalo pa ako ni Mommy nung makita niya at nawalan ako ng gadgets ng tatlong buwan dahil sa galit ni Mom,” Natawa ako. “Nagalit din sila sa akin nung una nila ‘tong makita. Pero natanggap na rin nila dahil maliit lang naman daw,” Muntik pa akong mapalayas nun. Sabi ko kasi sa sarili ko na deserve ko ang tattoo dahil nasa legal age naman na. ‘Yon pala bawal pa rin. “Dagdagan mo pa,” pagbibiro nito. Humalakhak na ako. Nawala na ang aking atensyon sa ibang mga kasama namin sa mesa. Pinakita ko sa kanya ang mga daliri ko. “Lagyan ko kaya lahat ng daliri ko? Maganda kaya tingnan?” curious na tanong ko. Nakaharap na ako sa kanya. “Maganda ‘yan tingnan as long as gusto mo. Magiging pangit lang sa paningin mo kapag labag sa loob mo,” Tsaka na lang siguro kapag tapos na ako mag-aral. Ilang buwan na lang din naman at graduate na ako. “May plano ka ba? I can recommend you a great artist,” “Baka mahal din,” “Sabihin mo lang ang pangalan ko may discount ka dun,” “Nice, send me the name!” excited na sabi ko. Napalingon ako sa mga kasama namin dahil tumahimik bigla ang mesa. “Nagkakasundo si Amihan at Tito Isidro pagdating sa tattoo. Mahilig kasi si Amihan,” malambing na sabi ni Ate. Nakahawak pa rin ang kamay nila sa ibabaw ng mesa. Pwede bang ibaba n’yo ‘yan? Ang sakit sa mata! “Sheesh, someone is killing me with his stare. Palagi na lang akong nadadamay,” Mahinang bulong ni Tito Isidro bago natatawang sumubo ng shrimp. Nang matapos kaming kumain ay nag-inuman ang tatlong lalaki sa bakuran namin. Nandoon din si Ate sa kanila, nakasandal sa balikat ni Ninong Alejandro. Kilig na kilig naman itong si Mama. Curious ako kung nagkiss na ba silang dalawa? Dapat pala pinilit ko siyang halikan sa labi! Last chance ko na pala ‘yon! Tinudo ko na sana! “Umiinom ka ba, Amihan? Shot mo na ‘to. Papainumin ko, pare, ah? Christmas naman, pagbigyan mo na,” sabi ni Tito Isidro at binigyan ako ng isang baso. “Umiinom ‘yan, Isidro. Hindi ‘yan tatanggi pagdating sa alak. Napatawag pa ako sa teacher niya nung high school dahil nahuling umiinom ng alak sa likod ng paaralan niya kasama ang mga barkada. Iba ‘yan sa panganay ko. Itong panganay ko hindi umiinom ng alak, maayos din ang mga kaibigan at hindi mga patapon,” Oh, e’di ako na ang masamang anak! Hindi na kailangang ipamukha sa akin! Hindi ko dinadala sa bahay ang mga tropa ko dahil alam kong masasakit na salita lang ang maririnig nila sa mga magulang ko. Hindi naman ibig sabihin na mababa ang grades namin at hindi kami pinakamagaling sa lahat ay patapon na ang buhay namin. Mayroon din naman kaming mga pangarap. Tinanggap ko agad ang baso at tinungga iyon ng tuloy-tuloy. Pumalakpak pa si Tito Isidro na parang proud na proud si ginawa ko. “Mahilig lang mag- explore itong si Amihan. No need to compare them, may kanya-kanyang personalities ang mga bata. Astig itong si Amihan, eh. Magpapatattoo kaming dalawa nito. Papalagyan namin ng singsing ang daliri namin para kunwari engage kaming dalawa,” Matatawa na sana ako kaya lang nakita ko ang padabog na pagtayo ni Ninong Alejandro. Kahit si Ate nagulat sa biglaang pagtayo nito. “I’ll just go to the bathroom,”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD