CHAPTER 3

1414 Words
CHAPTER 3 Pakiramdam ko mapupunit na ang aking mga labi dahil sa aking pagkagat. He is now svcking my two mounds like a hungry kid. Salitan ang ginawa niyang pagdila sa aking dibdib. I unconsciously grinded on his lap. Napaayos ako ng tayo nang bigla na lang kaming nakarinig ng katok mula sa labas ng pinto. Double ang aming mga naging kilos upang ayusin ang aking damit. Inayos niya pa ang hook ng aking bra. “Amihan?” Si Mama! Inayos ko rin ang aking buhok. Huminga ako ng malalim bago tumayo mula sa aking pagkakaupo sa kanyang kandungan. Nang tumayo ako ay nangulila agad ang aking pwet sa init ng kandungan niya. Nakita kong dumampot ito ng isang shorts at sinuot niya sa kanyang sarili. Naglakad ako papunta sa pinto upang pagbuksan si Mama. “Ma, nahatid ko na po ang meryenda ni Ninong,” Sumilip pa si Mama sa loob kaya medyo nilakihan ko ang pagbukas ng pintuan. Nag-aayos na ng mga damit niya si Ninong Alejandro. “Alejandro, pinahatid ko na kay Amihan ang meryenda mo dahil hindi ka naman bumaba kanina,” wika ni Mama. “Naligo lang ako kaya hindi ako nakababa kanina,” “Kapag may kailangan ka pa sabihan mo lang kami,” Sinama na ako ni Mama nang bumaba siya. Kung hindi dumating si Mama baka kung ano na ang nangyari sa aming dalawa ni Ninong Alejandro sa loob ng kwarto. Kahit nung naghuhugas na ako ng plato ay hindi mawala-wala sa aking isip ang mga pangyayari kanina. Parang sirang plaka na paulit-ulit na bumabalik. Muntik pa akong makabasag ng mga mamahaling baso at pinggan ni Mama na nilalabas lang sa tuwing may mga bisita kami. Nakatago lang ito, kapag umuwi na ang bisita namin ay balik na kami sa normal naming mga ginagamit. Kahit mga bagong bedsheet namin ay nilabas din kanina para ipagamit kay Ninong. Hindi ako basta-bastang nakakagamit nun. Ang gamit kong bedsheet kupas na. Nang matapos akong maghugas ng pinggan ay tumulong na rin ako kay Mama sa paghahanda para sa hapunan namin. Sakto namang maaga ang uwi ni Ate ngayon kaya magkakasabay kaming kumain. Pagkatapos naming kumain mamaya ay pupunta naman ako sa bar kung saan ako kumakanta. “Nandito raw si Tito Alejandro?” tanong ni Ate nang bumaba siya mula sa kanyang kwarto. Inaayos ko na ngayon ang mesa. Tumango ako. “Oo, Ate. Dumating siya kanina at dito siya matutulog,” Si Ate Antoinette ay twenty-eight year old na. Isang beses lang na nagkaroon ng boyfriend at nung high school pa. Nang tumungtong na siya ng college ay hindi na ito nagkaroon ng oras para maghanap ng boyfriend. Magna c*m laude siya. Palagi kaming pinagkukumpara ng mga tao. I am always the weak one when it comes to academic. Kay Ate, sa tuwing recognition or graduation palaging umaakyat sa stage si Mama at Papa para magkabit ng medal niya. Ako naman, wala akong pake sa grades ko. Hindi kasi ako mahilig mag-aral. Ang mahalaga sa akin ay makapagtapos na. Aaminin ko, minsan nasasaktan din ako sa sinasabi ng mga tao sa akin na sana sumunod ako sa yapak ni Ate. But all people is different. All people is unique. May sari-sarili tayong hilig. Si Ate magaling tungkol sa academic. Ako naman magaling sa musika. Doon ko nabubuhos lahat. Dumating na rin si Papa at ilang minuto lang ay bumaba na rin si Ninong. Iba na ang suot niya ngayon. Sweatpants na kulay gray at isang white fitted t-shirt. Namula ang aking mukha nang mahuli niya akong nakatitig sa bukol sa gitna ng mga hita niya. “Ipapatawag pa sana kita kay Amihan buti naman at bumaba kana,” Lumapit si Ate sa kanya upang magmano. “Ang tagal n’yo pong hindi nakadalaw dito, Tito Alejandro!” nakangiting sabi nito. “Marami lang akong inasikaso. May hinatid akong painting malapit dito kaya naisipan kong dumaan na muna dito sa inyo,” Kanya-kanya na kaming hila ng mga upuan. Hihilahin ko sana ang upuan sa tabi ni Ninong kaso naunahan ako ni Ate Antoinette. Tipid akong ngumiti at nagpasiyang umupo na lang doon sa tabi ni Mama. Nasa gitna namin si Papa at kaharap ko naman si Ate. Habang kumakain kami ay napansin ko ang pag-uusap ni Ate at Ninong Alejandro. Mahilig din sa arts si Ate Antoinette at iyon ang similarities nilang dalawa. Napapanguso na lang ako sa gilid dahil wala naman akong kaalam-alam tungkol d'yan. “'Yong mga binibigay mo na art materials sa akin iyon ang ginagamit ko. Kaso minsan na lang ako nakakapagdrawing dahil busy ang schedule ko. Gabi na ako kung umuwi minsan at diretso na sa kama dahil sa pagod,” Nakikinig lang ako sa pinag-uusapan nilang dalawa. “Ang sipag-sipag niyang anak namin. Ang mahal kasi ng tuition nitong si Amihan kaya double kayod si Antoinette para sa kapatid niya at para na rin may pambili ng maintenance namin,” buong pagmamalaki na sabi ni Mama. Tanging ngiti lang ang ginawa ko. I always do my best. Pero hindi nila 'yon nakikita. Nagtatrabaho rin naman ako para hindi na manghingi ng pambaon sa kanila. Nagsisikap din naman ako. “Baka hindi na ito mag-asawa dahil puro na lang trabaho,” pagbibiro ni Papa. Humalakhak naman si Ate. “Pa, mag-aasawa po ako. Hinihintay ko lang pong dumating kung sino ang para sa akin,” Nagkaroon ng pagtataka sa aking isip nang sumulyap ito kay Ninong. “Dapat 'yong piliin mong mapapangasawa mo, Antoinette, 'yong katulad mo rin na maganda ang trabaho. 'Wag 'yong ikaw pa ang bubuhay sa kanya. Gamitin mo ang talino mo sa pagpili ng lalaki,” “Oo naman, Ma.” napatingin si Ate sa akin. “Amihan, may nakarating na balita sa akin tungkol doon sa lalaking nanggulo raw sa bar na pinagtatrabahuan mo. Sigurado ka bang ligtas ka d'yan?” Napatigil ako sa pagkain. Hindi naman maiiwasan sa trabaho ko 'yan lalo na at maraming lasing. Ngunit mahigit isang taon na akong nagtatrabaho d'yan at sanay na rin ako. Marami naman kaming bouncer. “May nanggulo na naman, Amihan? Ilang beses na kitang sinabihan na tigil-tigilan mo na 'yang pagkanta mo sa bar at baka mapahamak ka pa!” nagagalit na sabi ni Mama. Hindi pa ako nakakasagot ay sumingit naman si Papa. “Itong inaanak mo, Alejandro, medyo matigas ang ulo. Pinapatigil na namin sa trabaho niya doon sa bar para makapag focus siya sa pag-aaral pero ayaw tumigil.” Pagdating sa akin bakit puro masama ang naririnig ko? Pinili ko na lang na 'wag sumagot. Nagtatrabaho lang naman ako para may mapatunayan din ako sa kanila. “Nand'yan naman ang Ate Antoinette niya para pag-aralin siya. Makakapagfocus pa siya sa pag-aaral niya. Ang baba rin kasi ng grades, dahil na rin sa walang oras para mag-aral. Inuuna pa ang pakanta-kanta,” Nagsubo ako ng dalawang beses. Halos hindi ko na 'yon malunok ng maayos. Sanay na akong masabihan ng ganito. Pero sa ngayon kasi may kasama kaming ibang tao. Pinapahiya ako ng pamilya ko sa harapan niya. Kung ganito lang din naman ay mas mabuting umalis na lang ako. Sabay silang napatingin sa akin nang tumayo ako. “Excuse me po. Aalis na po ako. Baka malate ako sa gig ko,” Umiling si Papa. I know he's disappointed with me. “Kita mo na?” Pumasok ako sa aking kwarto at nagbihis. I am wearing a black sleeveless at may butas iyon mula sa aking kilikili pababa sa aking bewang. Nagsuot lang ako ng itim na tube sa loob. Ang aking pantalon naman ay may butas sa magkabilang hita. Lumabas ako ng aking kwarto na bitbit ang aking gitara. “Alis na po ako,” paalam ko sa kanilang lahat. Patapos na rin silang kumain. Umiwas ako ng tingin kay Ninong. Ang paborito ko sa pagkanta ay pinapagaan niya ang pakiramdam ko. I am more into rock music. Napapangiti ako sa tuwing nakikita kong nag-eenjoy din ang mga tao sa kinakanta ko. Limang kanta ang tinapos ko ngayong gabi. Pagkatapos kong kumanta ay wala pa akong planong umuwi. Nagpasiya akong uminom muna ng isang beer. Nasa kalahati na ang naiinom ko nang maaninag akong isang taong kakapasok lang sa loob ng bar. Patingin-tingin ito sa buong paligid at tumigil lang nang magtagpo ang mga mata naming dalawa. He walked towards me and stopped in front of my table. “Ninong, ano'ng ginagawa n'yo rito?” Hinila niya ang upuan sa aking harapan at umupo doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD