CHAPTER 44 “Ikaw na ang bahala sa kanya. Message me when you get home,” Nasa labas na kami ng sasakyan ni Ninong ay nandito na rin si Tito Isidro. Sinundo niya ako sa terminal. May mga tao na rito that's why I can't kiss him. Well, nagkiss naman na kaming dalawa sa loob ng kotse kanina. Kung hindi pa kami kinatok ni Tito Isidro mula sa labas ay baka nandoon pa rin kami sa loob hanggang ngayon at naghahalikan pa rin. “Tama na 'yan. Magtitinginan pa talaga. Isang linggo na kayong magkasama, hoy!” pumagitna pa ito sa amin at hinarang ang malaking katawan niya. “'Wag mong bilisan ang pagmamaneho, Isidro. Ingatan mo,” bilin niya sa kapatid. “Oo na, Kuya. Wala ka bang tiwala sa akin? Ako ng bahala rito. Friends kami nito, eh. Best friend ko na sila ni Ligaya,” Inakbayan niya ako at tina

