Hindi mapigilan mapangiti ni Aj. Pasimple niyang sinusulyapan ang kanyang secretary na tahimik lamang sa kanyang tabi. Nakasakay na sila sa private elevator niya. Buti at napigilan niya pa ang sarili kanina. Dahil kung hindi baka nahalikan na niya ito. Gustong-gusto niyang lamukusin ng halik ang mapupulang labi nito na natural lamang dahil wala naman bakas ng lipstick. Pero nakapagtimpi siya dahil alam niyang hindi sila talo!Baka mawalan pa siya ng secretary. Eh, diba 'yun nga ang goal mo! Ang lumayas siya! Naipilig niya ang ulo sa sinabi ng traydor niyang isip. Oo, nga pala hindi ba 'yun ang plano. Hindi ba pwedeng magbago ng isip! Sa ngayon kailangan niya ito. She is competent and he needs like her. 'Yun, lang ba talaga? Bago niya mapatulan ang sariling isip ay bumukas na ang elevat

