Sobrang pasasalamat ni Sandra ng makarating na sila sa VCM. Sira ulo kasi si dragon, todo yakap ang loko. Nauna na itong bumaba pagkapark niya. Sumunod siya dito at sabay pa nilang inalis ang helmet. Nagkatinginan tuloy sila. Pansin niya na hindi na ito umiiwas bagkus ay nakikipagtitigan na rin ito sa kanya. Naalala niya ang sinabi nito kanina, pwede daw ba silang maging magkaibigan. Ano na naman kaya kalokohan naiisip nito. Hindi niya maiwasan magduda. Siya na ang unang bumawi ng tingin mukhang wala itong balak. Tumalikod na siya at inayos ang kanyang helmet. "Who owns this another motor?" tanong nito. "Si Jayson," tipid niyang sagot. Humarap na siya dito at kinuha ang helmet na hawak nito. Inilock din ito. Humarap siya dito at nakita niya magkasalubong ang kilay nito. Hindi niya

