Nakauwi si Luna nang tanghali na iyon na lutang ang kanyang pag-iisip. Dumiretso siya sa kusina. Umupo siya sa bangko at doon muling sinariwa ang nakaraan nila ni Hermes. Bakit, may nakaraan ba kayong dalawa, ni Hermes, ha? Assuming! At saka hindi naman naging kayo ni itlog, eh! Inamin nga nʼya na may gusto rin sʼya sa ʼyo, pero hindi naman niya sinabi na mahal ka nʼya, hindi ba? "It hurts, Itlog, it hurts! Para mong tinusok ng pako ang damdamin ko!" aniya. "Okay lang sana kung iminartilyo mo ang pako mo na iyon sa baba ko, pero hindi, eh!" sambit pa niya. Ibang baba na naman ang nabanggit mo, Luna! Kaya huwag mo nang pahirapan ang sarili mo dahil wala rin namang magagawa iyang pagsesenti mo at pag-iyak-iyak mo, baka matuluyan kang mabaliw, ikaw rin! Mapait siyang ngumiti

