Chapter 60: Flight

2370 Words

Nang makababa na si Luna ay kailangan pa niyang sumakay sa ibang jeep papuntang Pasay Avenue. Naiinis lang siya dahil halos punuan ang mga dumaraang sasakyan. Muli siyang nag-isip na kung sasakay siya ng taxi ay hindi na naman siya makauuwi sa Mabini dahil talagang kukulangin na ang pamasahe niya dahil four-hundred pesos lang ang natira sa kanyang tuition fee. Hay, Luna! Ilang beses mo nang iniisip ʼyan! Dalian mo na at maiiwan ka na ni Hermes! Kinagat-kagat niya ang dulo ng daliri niya dahil sa nararamdamang pagkabigo sa sarili. Pero ngayon pa ba siya susuko? Humugot siya nang malalim na hininga dahil kung hindi pa siya kikilos ay walang mangyayari. At napadesisyunan na lang niya na sa jeep na lang talaga siya sasakay dahil baka mabilis magpatakbo ang driver na pinara niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD