-=Mary Anne's Point of View=-
"Good morning gorgeous." ang nakangiti kong sinabi sa sarili ko nang mapatingin ako sa salamin na nasa gilid ng kama ko. kasi for the first time in my life ay naramdaman ko na maganda pala ako, thanks to those thousands of f*******: users na nagmessage sa akin kagabi at gusto ko pa sanang tignan ang f*******: account ko kaso kailangan ko nang mag-ayos para pumasok.
"Good morning!" ang masayang bati ko sa mga magulang ko, bakit ganoon parang ang lahat ng nasa paligid ko ay sobrang saya at ganda.
"Wow mukhang maganda ang gising nang anak namin ah." puna nang mommy ko habang nilalagay ang ginawa nitong champorado.
"Wow champorado pala ang almusal, at may kasama pang tuyo, ang sarap" masaya kong sinabi at hindi na ako nagpatumpik tumpik at agad ko nang kinain ang champorado at tuyo.
"May nangyari ba at ganyan ka kasaya ngayon Mary?" tanong sa akin nang Mommy ko na halatang naweweirduhan sa akin.
"Wala lang po masuwerte lang ako dahil kayo ang naging parents ko." nakangiti kong sinabi sa Mommy ko at nagulat na lang ako nang bigla ako nitong yakapin.
"Ganoon din kami sayo anak." naluluha pa nitong sinabi na dinagdagan ang pagkain ko sa tasa ko.
Hindi na din ako nagtagal at umalis na din ako para pumasok sa school at kahit paano ay medyo nagsubside na ang commotion na nangyari kahapon pero makikita pa din ang mangilan ngilang estudyante na nakatingin pa din sa phone nila.
Kung noon parang ayoko ko nang pumasok dahil sa mga classmates kong wala nang ginawa kung hindi manglait ng tao ngunit parang ngayon gusto ko pang sabihin sa kanila na bring it on, at sakto naman ang una kong nakitang classmate ko ay ang grupo nila Nadine na nang makita ako ay bigla na namang umismid ang mukha.
"Kung mamalasin ka ba naman, ang makiki....." ang sinasabi nito ngunit naputol ito nang bigla akong sumabat.
"Good morning girls, you all look so beautiful today." nakangiti kong bati sa mga ito at kitang kita ko ang pagkagulat na sinundan ng pagtataka sa mga mukha nito at hindi ko na hinintay na makaisip ng smart remarks ang mga ito at dumiretso na ako sa unang klase namin.
"Anong nangyari doon? May sakit ba yun?" narinig ko pang tanong ni Gigi sa mga kasama nito, hindi ko na narinig kung anong sagot don dahil medyo malayo na ako sa mga ito.
Tingin ko kung makikita ako nga mga kakilala ko ay baka akalain nilang maluwang na turnilyo ko kasi tuloy pa din ako sa pagngiti nang walang dahilan kung alam lang nila.
Ang sarap pala nang feeling nang masabihang maganda, nakakaadik ang feeling, alam kong dapat tinigil ko na iyon dahil baka malaman ng mga magulang ko ang lihim ko ngunit sa ganitong feeling na nararamdaman ko parang gusto ko pang maramdaman ito at makabasa ng mga papuri sa ibang tao.
"Nakadrugs ka no?" nagulat ako nang may magsalita sa tabi ko hindi ko kasi masyadong napapansin ang mga nadadaanan ko dahil para akong nasa cloud nine at nang tignan ko kung sino iyon nakita ko ang schoolmate ko na pinaghihinalaan ng iba na nagdadrugs eh kung makikita niyo lang nama talaga malalaman niyong adik eh.
Sasagot na sana ako dito ngunit agad namang umalis ito, ngayon ko narealized na baka ganoon din ang itsura ko simula nang umalis ako sa bahay.
"Whatever!" ang nasabi ko sa sarili ko na dumiretso na papasok sa una naming klase, hindi nagtagal ay nagstart na agad ang klase and for the first time in my life naging active ako sa class discussion na kinagugulat ng mga classmates and professors ko dahil usually I just tend to blend in the crowd pero ngayon iba na, I am inspired.
Lumipas ang mga araw at naging linggo biruin mo umabot na siya ng isang buwan at nagpatuloy ang pagiging Alodia Raymundo ko kapag nasa bahay ako, alam kong mali ang maglihim sa mga magulang ko ngunit masisisi niyo ba ako sa buong buhay ko sunud sunuran lang ako sa mga magulang, just once in my life gusto kong gawin ang isang bagay na magpapasaya sa akin at sa ngayon ang pagiging maganda kahit na sa f*******: lang ay sapat na sa akin.
Actually sa constant na pagpopost ko ng mga picture online ko ay lalong nadagdagan ang mga followers at mga bashers na din na hindi naman ata talaga maiiwasan pero wala akong paki kahit anong sabihin nila ang mahalaga mas marami pa din ang positive commenrs.
Iba't ibang messages ang natatanggap ko sa mga followes and friend list ko, madaming mga lalaki ang nagiinvite sa akin na makipag date or ligawan daw ako pero hindi ako handa doon mas gusto kong madaming mag aadmire sa itsura ko ngayon.
Inaamin ko masyado na akong nagiging vain pero masisisi niyo ba ako dahil sa buong buhay ko ay ang tingin sa akin ng ibang mga tao ay isa akong nerd, manang, madre at marami pang iba na mauubos ata ang negative adjective na ginagamit sa kin simula pa lang nang magkaisip ako.
Isang message ang natanggap ako tinakpan ko pa ang bibig ko para lang mapigilan ko ang pagsigaw.
"Argghh!" ang namutawi sa bibig ko dahil takip takip ko iyon, eh panong hindi ako hindi masisigaw may nareceive kasi akong message galing sa isang talent manager daw na gusto akong i handle, biruin mo iyon ibang level na ang face value ko.
Excited kong pinindot ang reply button at dali daling nagtype nang oo ngunit nang isisend ko na sana ang reply ko nang bigla akong natigilan.
"Handa na ba akong ipaalam ang totoo kong pagkatao?" tanong ko sa sarili ko nang mga oras na iyon.
Well handa na ako sa mga fans na magpapapicture sa akin, mga fans na magpapaautograph sa akin mga fans na lahat nang gagawin ko ay gagayahin, handa na akong maging sikat at mas dumami pa ang fan base ko gaya ni Kim Chiu o kaya ng Kathniel pero.....
Handa na ba akong makita ang dissapointment sa mga mata ng mga magulang ko?
Mabigat man sa loob ko ay binura ko ang nauna kong message sa talent manager diumano at tinanggihan ko ang offer nito na ihandle ako.
"Maybe in the future but not now." ang nireply ko dito, sa totoo lang medyo nakaramdam ako nang kaunting kalungkutan dahil chance ko na iyon pero ayoko namang mangyari ang kinakatakutan ko na maging sikat nga ako pero masasaktan naman ang mga parents ko, for now ok na muna ito sa akin.
Minabuti ko nang iturn off ang computer ko mapatos kong magpost nang pinabagong picture na madami agad nang likes at nagcomment peor hindi ko na binasa dahil alam ko na naman ang mga comments sa mga iyon...
"You're so pretty."
"You're my idol."
"Puwede ka bang idate."
At kung ano-ano pang mga pick up line na medyo nakakaumay na pero naaappreciate ko naman lahat but not now na tinurn down ko ang isang offer na alam kong gusto ko.
"Don't worry Mhean tama ang ginawa mo." ang sinabi ko sa sarili ko nang nakahiga na ako sa kama ko.
Ilang minuto lang ay naramdaman ko na ang pagbigat ng mga mata ko at sandali lang ay tinalo na ako nang antok.