-=Mary Anne's Point of View=-
Naghahyperventilate na ako sa sobrang kabang nararamdaman ko nang mga oras na iyon lalo na't inaabot ng isa sa mga nagpakalat ng picture ko ang isang kopya sa kamay ko.
"Hi by any chance kilala mo ba si Alodia Raymundo?" nakangiting tanong nang isa sa mga nakilala kong estudyante ng Masscom department.
Bigla ang naging pag-iling ko at dali dali akong lumayo dito, pinilit kong makisiksik sa mga estudyante na nasa cafeteria.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng cafeteria ay dali dali akong dumiretso sa girls bathroom at sinigurado kong nakalock ang pinto ng cubicle kung nasaan ako.
Habol-habol ang paghinga ay agad akong nag-isip nang paraan para walang makaalam ng sikreto ko.
Nahigit ko ang paghinga ko nang marinig kong may pumasok sa cr at base sa mga pinag-uusapan nila ay patungkol pa din ito kay Alodia Raymundo.
"I still don't see the buzz kung bakit kailangan magkagulo nang mga tao tungkol sa babaeng iyon." narinig kong sinabi ng isa sa mga ito.
"Well haven't you seen her picture? That girl is so pretty at hindi ako magtataka kung balang araw maging celebrity specially ngayon na ang daming nagkakagulo sa babaeng iyon." ang sinabi naman ng isa nitong kasama.
"Well I don't care! For all we know photoshop ang picture ng babaeng iyon or maybe gumamit siya ng 360 application sa phone niya." sinabi pa din ng insecure na babae.
Pinigilan ko ang sarili kong lumabas ng cubicle na pinagtataguhan para isampal sa babaeng ito ang phone na gamit ko. the nerve may nalalaman pa itong 360 app kung ano man iyon eh naka Nokia N73 lang ang phone ko at wala akong ganoon sa phone.
Pero pinigilan ko na lang ang sarili ko dahil wala din namang point kung sakaling gawin ko iyon pero medyo nakakaasar lang talaga ako sa mga taong hindi na lang maging masaya para sa kapwa.
"Ang ampalaya kinakain hindi inuugali." asar ko pa din sinabi sa sarili ko nang lumabas na ako ng cubicle na pinagtaguan ko, actually ayoko na nga sanang lumabas ngunit malapit nang magsimula ang susunod kong klase at dahil absent na ako kahapon ay ayoko naman umabsent uli.
Maingat ang mga hakbang ko habang palinga linga ako sa paligid habang naglalakad, sinisigurado ko na walang biglang susulpot at magtatanggal ng salamin ko dahil baka may makakilala sa akin, pero nakarating na ako sa susunod na klase na walang nangyaring hindi naayon sa gusto ko kaya napanatag na ang loob ko.
Pinilit kong ituon ang buong atensyon ko sa tinuturo ng prof namin kaysa pakinggan ang patuloy nilang pag-uusap tungkol sa misteryosong babae.
Lumipas ang mga oras hanggang finally natapos na ang lahat ng klase ko nang araw na iyon at hindi na ako nagtagal sa school at dumiretso na akong umuwi, habang naglalakad ako ay nadismaya ako dahil kahit pala sa labas ng campus ay madami pa din ang nacucurious kay Alodia Raymundo so ibig sabihin hindi pa din ako ligtas.
Nakahinga lang ako nang maluwang nang tuluyan na akong nakapasok sa bahay namin at dali dali akong umakyat sa kuwarto ko dahil isang desisyon ang nabuo ko at iyon ay idelete ang f*******: account na ginawa ko sa pangalang Alodia Raymundo.
Tinurn on ko na ang laptop ko at naghintay din ako nang ilang segundo at dali dali kong iniopen ang safari browser nang laptop ko ngunit laking dismaya ko dahil nalaman kong walang internet pala.
"s**t! Of all the time in the world ngayon pa nagkaproblema ang internet." naiinis kong sinabi sa sarili ko.
Gamit ang phone sa kuwarto ko ay tumawag ako sa PLDT para ireport ang naturang problema at ayon sa mga ito ay mga outage daw sa area namin kaya walang internet, pero may mga nag-aayos na daw ngunit wala pang ETR (estimated time of restoral)
Napabuntung hininga na lamang ako dahil wala naman akong magagawa, ayoko namang lumabas para lang gawin iyon dahil mahirap na ngayon pa naman may mga ginagamit na sa computer sa mga computer shop kung saan puwede nilang malaman ang username at password mo.
Tinignan ko ang orasan at nakita kong mga aalas siyete pa lang ng gabi kaya naisipan kong buksan ang tv at manood na lang muna para marelax na din ang isipan ko.
Sakto naman pinapalabas ang TV Patrol, sa totoo lang mas gusto kong manood ng mga news kaysa manood sa mga drama series, sakto naman dahil mga Kuwento ni Marc Logan ang segment.
Ang topic ngayon ni Marc Logan ay tungkol sa mga sikat na tao na pinagkakaguluhan ng mga netizen o iyong mga taong mahilig sa online site katulad ng f*******:, twitter, i********: at kung ano ano pa and I must say ang gaganda at ang guguwapo ng mga napifeature ng segmet hanggang mapasadahan ng mga mata ko ang isang larawan na nagpahina ng mga tuhod ko kaya minabuti ko na lang turn off ang tv, nakita ko kasi na pati ang larawan ko ay kasama sa mga na feature nang palabas.
"Mary?" narinig kong tawag ng mommy ko na mukhang kakarating lang mula sa pagseserve sa simbahan.
"Good evening Mom." nakangiti kong sinabi dito sabay halik sa pisngi nito.
"Kanina ka pa ba? Sandali lang magluluto na ako nang pagkain natin." nakangiti naman nitong sinabi at dumiretso na sa kusina.
Sinundan ko to sa kusina at tahimik lang ako habang nagluluto ito nang kakainin namin, hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob na magtanong dito.
"Mom anong tingin mo sa akin?" tanong ko dito pati ako nagulat ako sa tanong ko.
"Uhm anong ibig mo sabihin tingin ko sa iyo?" tanong nito sa akin na abala pa din sa pagluluto.
"I mean iyong personality ko pati na din.... pati na din ang itsura ko." mahina kong sinabi dito.
Sandali naman binaba nito ang hawak hawak na sandok at umupo sa tabi ko at pinatong ang kamay nito sa nakapatong na kamay ko sa mesa.
"Ang masasabi ko sayo ay isa kang mabuting anak na laging sinusunod ang gusto nang kaniyang mga magulang at napakasuwerte namin dahil ikaw ang naging anak namin." nakangiti nitong sinabi at medyo nakaramdam naman ako ng pagkaguilty sa sinabi nito dahil sa ginawa ko kahapon lang.
"At tungkol naman sa itsura mo, lagi mong alalahanin na ang pisikal na itsura ay hindi nagtatagal ang mas mahalaga ay kung ano ang nasa loob and besides ikaw kaya ang pinakamagandang anak sa buong mundo." nakangiti pa din nitong pagpapatuloy at matapos non ay bumalik na ito sa niluluto nito.
Natuwa ako sa unang sinabi nito tungkol sa personality ko ngunit tungkol sa itsura i'm not sure kung matutuwa ako dahil lahat naman halos ng magulang ay pinakamaganta ang tingin nila sa mga anak nila.
Lumipas ang mga oras at sakto naman dumating na ang Daddy ko mula sa trabaho nito kaya sabay sabay na kaming umupo sa hapag kainan.
"Dear God maraming salamat po sa pagkain na nasa harapan namin, at sa mapagpalang araw na lumipas, pati na din sa pamilyang ito na binubuo nang pagmamahal at pagtitiwala, isang asawang mapagmahal at isang anak na masunurin na kahit kailan ay hindi kami binigo at hindi tumulad sa ibang kabataan ngayon na puro na lang sarili ang iniisip at kung ano ang itsura nila. Amen." sabay sabay namin sinabi, ngunit sa totoo lang kating-kati na ang paa kong magwalk out kasi ba naman nananadya ata ang pagkakataon at iyon pa ang pinalangin ng Daddy ko.
Nasagot ang dahilan kung bakit ganoon ang naging panalangin ng Daddy ko nang magsimula itong magkuwento nang nangyari, ayon dito may isang matandang babae na tinulak ng isang babae nang madumihan nito ang suot nitong damit.
"Kaya naman proud na proud ako sa anak natin dahil kahit kailan ay hindi naging importante ang panlabas na itsura." nakangiti naman sinabi ng Mommy ko na sinang ayunan naman ng Daddy ko, hindi ko tuloy mapigilan mabulunan dahil sa sunod sunod na papuri ng mga magulang ko, kung alam lang nila.
Matapos kumain at hugasan ang pinagkainan namin at dumiretso na ako sa kuwarto ko dahil piling ko hindi ko na kakayanin ang anumang papuri ng mga ito sa akin at baka bumigay na ako at magtapat na ako sa ginawa ko.
"YES!" ang nasabi ko na napasuntok pa sa hangin nang finally gumana na ang internet kaya dali dali akong nag online at laking gulat ko nang makita ko ang friend request ko pati na din ang followers ko.
"Four thousand, three hundred friend request at followers?" nagtataka kong sinabi sa sarili ko nang makita ko kung gaano karami ang gusto akong iadd sa sss, maliban pa doon ay ang daming messages na nasa inbox ko.
I decided to open few messages at sobrang natouch ako sa mga messages ng mga ito, isa sa mga messages ay sobrang kinaligaya ko.
"Hi Alodia just want to say that you look like an angel, hindi nakakasawang pagmasdan ang maamo mong mukha." ang nabasa ko sa isa sa mga messages, hanggang hindi ko namalayan na binasa ko na lahat ng mga messages mula sa iba't ibang tao, mapababae o mapalalaki ay magaganda ang mga comments at mangilan ngilan lang ang hindi kaaya aya ang mga messages.
Sa sobrang enjoyment na nararamdaman ko sa pag aapprove ng mga friend request at pag reply sa mga messages ng mga ito ay hindi ko na namalayan ang oras at nagulat na lang ako nang makita kong ala una na pala nang madaling araw.
Their compliments are so addictive siguro dahil ngayon lang ako nakakakuha ng mga ganoong messages sa ibang tao, hindi galing sa mga magulang ko, kung hindi sa mga taong hindi ko kilala na naappreciate ang itsura ko.
Katatapos ko lang replyan ang lahat ng mga messages nang may isa pang message ang pumasok at gusto ko na sanang matulog ngunit minabuti ko na munang tignan kung kanino galing ang message na iyon na sinundan naman ng friend request.
"Hi Alodia, ako nga pala si Nadine Santos, just want to say that you are so pretty and I think dapat tayong maging magbest friend, two pretty girls together, think about the boys that will swoon on our feet." nagulat ako nang mabasa kong galing pala kay Nadine ang message.
"What are the odds." sa loob loob ko dahil biruin mo, masyadong mapaglaro ang pagkakataon ang taong umaalipusta sa itsura ko ay gustong makipagkaibigan sa other side ko.
"Send." pindot ko matapos kong magcompose nang reply dito at don't worry sinabi kong sure at kung may pagkakataon puwede kaming magkita pero alam kong malabong mangyari iyon dahil mananatili lang si Alodia Raymundo sa apat na sulok ng kuwarto ko.
Hindi ko na hinintay mag reply ito at natulog na din ako, nakatulog ako nang may ngiti sa mga labi ko dahil sobrang gaan ng nararamdaman ko.
"I am pretty."