CHAPTER 3: An Unexpected Surprise

1583 Words
-=Mary Anne's Point of View=- "Good morning." nakangiti kong bati kahit na nga ba wala akong kasama sa kuwarto, ganoon talaga start your day right, laging mag smile, lalo na sa unang pagkakataon ay naramdaman ko kung paano maging maganda ngunit alam kong mananatili na lang si Alodia sa loob na kuwarto na ito dahil hindi puwedeng malaman nang kahit nasa sino lalo na nang mga magulang ko ang sikreto ko. Medyo napasarap ang tulog ko at titinignan ko sana ang f*******: account na ginawa ko ngunit napansin kong anong oras na at baka mahuli pa ako sa klase kapag nagkataon. Kaya dali dali kong hinanda ang mga gamit ko, siyempreang manang dress ko ang susuotin ko at matapos kong maihanda ang gagamiti ko ay dali dali akong bumama ng kuwarto at dumiretso sa kusina kung saan naabutan ko ang parents ko na sakto naman na kakaupo lang sa lapag kainan. "Good morning Mom, Dad." bati ko sa mga ito at umupo na ako sa silyang katapat nang mom ko, pagkaupo ko pa lang sa hapag kainan ay naramdaman ko na agad ang gutom dahil nga hindi ako nakakain ng hapunan kagabi dahil nagpanggap akong tulog para hindi na makita ng Mommy ko ang make up na nilagay ko sa mukha ko. "May iba sa iyo ngayon?" puna nang mommy ko na hindi ko napansin na kanina pa ako tinitignan at halos mawalan ako ng kulay sa mukha nang makita ko ang nakakunot na noo nito. "A...a...ano naman pong iba?" kinakabahan kong tanong pinipilit kong tignan ang reflection ko sa salamin na nasa sala ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko makita ang sarili ko. "Ah alam ko na." nabibigla nitong sinabi, labis naman pinagpawisan ang mga kamay ko dahil sa kabang nararamdaman ko, hindi ko naman kasi akalain na ang bilis nilang mabubuko ang sikreto ko. "Mhean lumuhod ka at humingi ng tawad sigurado naman papatawarin ka nila kapag pinaliwanag mo ang side mo at kapag pinangako mong hindi mo na uulitin." ang sinabi ko sa sarili ko, lalo tuloy akong kinabahan at sobrang bilis ng t***k ng puso ko nang dahan dahang lumapit sa akin ang Mommy ko. Like a tigress that can smell fear from it's victim, dahan dahan ang ginawang paglapit nang mommy ko, hindi nga ako makapaniwala na hindi nito narinig ang malakas na t***k ng puso ko. "Sabi ko na nga ba eh." ang nagugulat na sinabi nito, napapikit naman ako habang hinihintay ko ang verdict nito sa ginawa kong kasalanan. "I knew it..... Pinaputol mo ang buhok mo, it looks nice." ang nakangiting sinabi ng mom ko habang marahang hinahagod ang buhok ko. Sandali lang ito at bumalik na din sa sarili nitong puwesto, naiwan naman ako na parang hihimatayin sa relief na nararamdaman ko nang mga oras na iyon. Nakalipas lang ng ilang minuto ay tapos na akong kumain at dali dali akong pumasok sa banyo para maligo at makapagbihis na din ng susuotin ko. Napabuntung hininga na naman ako habang nakatingin sa susuoti kong damit. "Hays' kailan kaya kita madidispatsa samantalang ang gaganda ng mga damit ko sa taas." ang pagbubulong ko habang sinusuot ang napili kong damit. Saktong paglabas ko ay paalis na din ang parents ko kaya nagsimula na akong maglakad papasok ng school na hindi naman kalayuan sa tinitirhan namin kaya hindi ako kailagan pang ihatid ng kotse. Sa bungad pa lang nang campus ay kitang kita ko na ang pagkakagulo ng mga estudyante sa hindi malamang dahilan. Lahat ay nakatingin sa mga cellphone nila na parang hindi sila mapakali, makikita sa mga mata ng mga lalaking estudyante ang sobrang paghanga may mga mangilan ngilan naman bigla na lang tumutulo ang laway at ang mga babae naman ay hati may mga nakaismid na para bang kamang anak nila si Celia Rodriguez at may mga mangilan ngilan naman na kitang kita ang paghanga sa mga mata nito. "May artista bang dumating?" bulong ko sa sarili sabay pumasok na din ako sa loob ng campus, hindi natapos ang comotion sa labas ng campus dahil kahit ang mga tao sa loob ay hawak hawak din nila ang kanilang mga cellphone still busy checking something in their phone. Sobra nang curiosity ang nararamdaman ko kaya nakatingkayad kong sinubukan tignan ang tinitignan ng mga ito ngunit sa pagkadismaya ko ay na out of balance ako at sa kamalas malasan ay sa grupo pa nina Nadine ako bumagsak. "What the hell Nerd?!" galit na sigaw sa akin ni Nadine. "Sorry hindi ko sinasadya." paghingi ko nang paumanhin dito. "Whatever loser! Tara na nga." ang sinabi ni Nadine at agad namang sumunod ang dalawang minions ng dalaga, katulad nang iba ay hawak hawak nito ang sariling phone habang nakikipag usap, dinig na dinig ko pa ang sinasabi nito sa mga kaibigan. "She definitely belong to our group girls." ang narinig kong sinabi ng papalayong si Nadine. "Totally." ang maikli naman sinabi ni Gigi dito, hindi ko na narinig ang pag-uusap nila dahil nakalayo na ang tatlo. Nagkibit balikat na lang ako at minabuti nang dumiretso sa locker ko para kuhanin ang project ko na hindi ko napasa dahil sa ginawa kong pagcucutting classes, isa pa iyon sa mga proproblemahin ko kung paano ko malulusutan ang ginawa ko. "Bahala na si batman...este bahala na po Kayo." pagcocorrect ko sa sarili ko at tumungo na ako sa teacher's faculty para hanapin si Professor Hilario para magpasa nang project. Kumatok na muna ako sa pinto at nang marinig ko ang sigaw sa loob na pumasok ako ay pinihid ko na ang door knob at dahan dahang sumilip sa loob. "Can't you see the jaw the eyes, the nose, the lips, this girl is perfection." ang narinig kong sinabi ni Professor Hilario, actually si Prof. Hilario ay isang open gay, kausap nito ang isa pang Professor ng science subject na si Professor Cruz. "Uhm Sir sorry po kung hindi ako nakapason kahapon sa subject ninyo, sumama po kasi ang pakiramdam ko." pagsisinungaling ko at yumuko na ako para hindi nito makita ang pagkailang sa mukha ko dahil ngayon lang ako nagsinungaling sa tanang buhay ko. "No worries Mhean, iwanan mo na lang ang project mo sa mesa ko." ang narinig kong sinabi nito at hindi ako makapaniwala sa suwerte ko dahil pagkakarinig ko sa ibang mga naging estudyante na terror si Professor Hilaro lalo na sa mga nag aabsent sa klase nito, nagpasalamat na lang ako dahil mukhang good mood si sir. Dumiretso na ako sa unang klase ko at saktong kakadating lang din halos ng una naming professor. "Good morning po." ang bati ko at mabilisan akong tumakbo sa pinakadulong silya sa classroom. Nagsimula na ang boring discussion at pansin kong hindi na iniintindi ng mga classmates ko ang tinuturo ni prof. na patuloy lang sa pagbasa ng libro. "Spoiled brats." bulong ko sa sarili ko dahil nakabukas nga ang mga libro ng mga ito pero sa loob naman ng libro ay ang mga cellphone ng mga ito. Hindi ko tuloy mapigilan tignan ang kanina pa tinitignan ng lalaking nasa harap ko, medyo malayo dahil may bakanteng silya sa gitna namin kaya kailangan ko pang tuminkayad para lang makita ang tinitignan nito at nanglaki ang mga mata ko nang matitigan ko nang maigi kung ano ang kanina pa nila tinitignan. "s**t!' medyo napalakas kong sinabi at sa laking pagkapahiya ko ay nakita kong lahat ng tao sa room ay sa akin na nakatingin. "Yes Ms. Concepcion?" nakaunot na noong tanong ni prof na kinapula nang mukha ko. "Wa...wala po sir may nakita lang akong ipis." ang nahihiya kong sinabi dito na tinignan lang ako nang masama. "Freak." may kalakasang sinabi ni Nadine na kinatawa ng lahat ngunit ang isip ko ay wala sa ginagawang pagpapahiya sa akin ni Nadine kung hindi sa picture na nasa cellphone ng lalaki sa harap ko. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko dahil nagpapanic na ako, sinigurado kong maayos ang salamin ko dahil natatakot akong any moment ay malaman nila na ako ang nasa larawan na kanina pa nila tinitignan. Halos itago ko na ang buong mukha ko sa librong pinapabasa sa amin ni professor at sa sobrang pag-aalala ko ay hindi ko namalayan na oras na para sa susunod namin klase. Mabilis ang mga kilos na nauna akong lumabas sa mga natitirang classmate, on guard ako sa kung sino man magtatangkang tanggalin ang salamin ko at ibuking ang pinakakatago kong lihim, now I know kung ano ang pakiramdam ni Hannah Montana sa palabas kung paano ito laging kailangan on guard para hindi mabuking ang identity nito. My eyes are moving from left to right, looking for any sign of treats at mabuti naman ay nakarating ako sa susunod na klase nang walang nangyayaring masama at nang mapansin kong mas focus na nga mga kaklase ko sa lesson ay bahagya na akong nakahinga nang maluwag. Dumaan pa ang mga oras at sa wakas lunch break na mas napayapa na ang loob ko dahil mangilan ngila na lang ang nakikitaan kong may hawak na phone. Naglakad na ako papunta sa school cafeteria dahil nakaramdam ako ng gutom dahil sa naramdaman kong takot sa dibdib ko kani kanina lang. Katulad nang inaasahan ay medyo maraming tao sa loob ng cafeteria at kinailangan ko pang isiksik ang sarili ko para makapasok, nagtaka ako dahil sa loob naman pala ay hindi karamihan ang tao ngunit nang matitigan ko ang dahilan ay parang gusto kong tumakbo palayo sa lugar na iyon. Sa loob kasi ng cafeteria ay nagkalat ang mga larawan ni Alodia Raymundo, larawan ko sa lahat ng pader nang cafeteria na may nakalagay na prettiest girl in town. "OH MY GOD!" ang nasabi ko sa sarili ko dahil mukhang naging out of hand na ang sitwasyon at naririnig ko na ang parang tunog nang Red Alert!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD