-=Mary Anne's Point of View=-
I wope up the following day with a light hearted feeling, kahit na nga ba hindi naging maganda ang nakaraang araw ko I always tend to leave the bad things behind and move forward.
"Good morning." nakangiti kong sinabi sa sarili ko habang nag iinat inat pa, agad kong kinapa ang salamin na nasa side table ko at sinuot iyon.
Bumaba na ako sa kama at agad hinanda ang susuotin kong damit papasok sa school, napahinga na lang ako nang malalim habang namimili ako ng damit dahil lahat naman ng damit ko pang matanda at pang nerd ngunit wala naman akong choice.
Pinili ko na lamang ang pinaka maayos tignan na blouse at palda at matapos nga noon ay dali dali akong bumaba para makapag almusal at makaligo na din.
"Good morning Mom, Dad." nakangiti kong bati sa mga ito na nasa hapag kainan na.
"Good morning din anak, oh umupo ka na diyan at kumain para makapag ayos ka na sa school, nga pala naiwan mo yung binili ko sayong blouse." ang nakangiti nitong sinabi sa akin.
Ilang segundo din bago nagregister sa akin ang sinasabi ng Mommy ko. "s**t!" sa isip-isip ko kasi naman bakit ba naman nakalimutan kong dalhin sa kuwarto ko ang damit na iyon para maibaon na sa kailaliman ng damitan ko.
At katulad nga ng sinabi ng Mom ko ay nandoon na nga ang dreaded blouse nakasabit sa dinding taunting me at ayoko ko nang maimagine kung anong magiging itsura ko lalo kapag suot ko ang naturang damit na iyon, pero no choice naman eh seeing the expression in my mom's face.
"Wow mom you shouldn't have." ang pilit na pilit na ngiti ko dito at nagtaka nga ako at hindi napansin na hindi ngiti ang ginawa ko kung hindi ngiwi.
"Wala iyon at oo nga pala Mary baka anong oras na ako makakauwi may outreach program kasi sa simbahan at nag volunteer akong tutulong don at ang daddy mo naman ay kailangan mag overtime sa trabaho kaya baka anong oras na din siyang umuwi kaya ikaw na ang bahala sa bahay ha." sunod sunod nitong paalala.
Actually medyo tinagalan ko talaga ang pagkilos ko para mauna na silang umalis at hindi na ko mapilitang isuot ang nakakatakot na blouse na iyon ngunit mukhang mamaya maya pa aalis ang mom ko at mahahalata naman nito kung magpapalate ako kaya mabigat man sa dibdib ko ay sinuot ko ang kinakatakutan kong damit matapos kong maligo, dali dali akong tumingin sa harap nang salamin ng kuwarto ko.
"This isn't that bad." ang bulong bulong ko sa sarili ko. "It's worst!" nagpapanic kong sinabi sa sarili ko seeing na nagmukha akong puno sa suot kong blouse with the raffles on the lining kaya nagmukha akong may pugad.
Pero katulad nga nang sinabi ko wala akong choice kung hindi suotin ang damit na ito, ayoko naman sumama ang loob ng Mommy ko kapag nakita nitong iba ang sinuot ko.
Hinanda ko na ang pekeng ngiti na prinactise ko sa loob ng kuwarto ko para pag harap ko sa mom ko ay convinsing.
Sinugurado ko na munang lahat ng kailanganin ko ay nasa loob ng bag ko pati na din ang project na pinagawa sa amin ay dala ko at huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng kuwarto sakto naman pababa na din ang mommy ko sa kuwarto nila na handang handa na sa pag-alis.
"Wow look at you dalagang dalaga ka at sabi ko na nga ba bagay na bagay sa iyo ang blouse na iyan." ang natutuwa nitong sinabi.
Muntik ko nang masagot na seryoso kayo mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko, kasi naman mukha akong puno sa suot ko at pustahan pa tayo nang walang perang involve magiging katatawanan na naman ako sa school nito.
Ngumiti na lang ako dito at hindi na ako nagsalita pa gamit ang kotse nito ay hinatid na muna ako nito sa tapat ng gate ng school namin at sakto na naman nandoon na naman ang batang walang direction na halatang naguguluhan, at dahil turo sa akin ng mga magulang ko na tumulong sa kapwa ay lumapit ako dito.
"Naliligaw ka na naman ba?" ang nakangiti ko sa batang halatang nagulat.
"Ikaw pala ulit sister, pasensya na po hindi ko po kasi alam ang papunta sa gymnasium, unang klase ko kasi ay P.E." pagpapaliwanag nito sa akin at tinuro ko nga ang papunta sa Gymnasium ng school at dali dali naman itong tumakbo palayo ngunit tinawag ko ito.
"Bata hindi ako madre sa school na ito estudyante ako!" sigawa ko dito at hindi ko alam kung narinig ako nito o hindi kaya pinagkibit balikat ko na lang iyon at dumaan na muna ako sa locker ko para doon ilagay ang projects ko at ilang libro tutal last subject pa naman ang science class namin.
Naglakad na ako papunta sa unang klase namin ngunit napatigil ako at dali dali akong dumiretso sa malapit na cr, chineck ko kasi baka nagmukha nang ok ang damit ko ngunit nang matitigan ko nang maigi ay alam kong niloloko ko lang ang sarili ko dahil ganoon pa din, mukhang dahon ng isang puno, mukhang lumot.
Wala na akong nagawa nang biglang mag ring ang bell to signal the start of the classes, nakayuko lang akong pumasok sa classroom at dinig na dinig ko ang iba't ibang komento nang mga classmates namin lalong lalo na ang malakas na boses ni Nadine at nang alipores nito.
"My God there's a walking tree!" malakas nitong sinabi at kahit hindi naman nakakatawa talaga ay sabay sabay na nagtawanan ang mga ito.
Nakuyom ko na lang ang kamao at pinilit kong huwag hayaang tumulo ang luha ko dahil ayoko silang bigyang nang satisfaction kapag nangyari iyon.
"Hayaan mo lang sila, hindi ka naman mapapahamak sa mga simpleng panunukso nila." pagpapalakas loob ko sa sarili ko.
Pinilit kong iignore ang mga comments nang mga ito hanggang makakaya ko at laking pasasalamat ko dahil finally lunch break na at puwede ko nang maiwasan ang mga ito kahit man lang isang oras.
Dali dali akong lumabas nang classroom naunahan ko pa ata ang prof namin sa paglabas para lang maiwasan ang mga classmates ko.
Dumiretso ako sa locker ko dahil naiwan ko din ang wallet ko sa locker ko ngunit laking pagtataka ko dahil may nakita akong kulay blue ng sobre at nang tignan ko ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita.
Luminga linga muna ako bago ko maingat na binuksan ang naturang sobre at katulad nang nakasulat sa labas ay galing daw ito kay Brent Dela Cruz ang star player ng basketball team at campus heartrob.
Ito ang nakasulat sa letter....
Dear Mary Anne,
Just like to say that I think you're pretty, hindi ka katulad nang ibang girls na wala nang inisip kung hindi ang mga itsura nila, iba ka sa kanila you're pretty in and out at mas mahalaga ang kung ano ang nasa loob at dahil diyan nagustuhan kita kahit na ano man ang itsura mo and I am hoping na i meet mo ako mamayang lunch break sa bandang parking lot ng school, may isang bench doon na hindi masyadong dinadaanan ng mga tao.....
Sana pumunta ka...
Brent Dela Cruz
Ilang beses ko ding binasa basa nang paulit ulit ang letter na iyon hanggang makabisado ko na nga, hindi kasi ako makapaniwala na ang tulad ni Brent Dela Cruz ay magkakagusto sa katulad ko.
Sobrang saya nang nararamdaman ko nang mga oras na iyon na parang lumulutang ang mga paa ko, piling ko ang ganda ganda ko kahit na nga ba ang suot kong damit ay bigla akong nagandahan.
Natauhan lang ako nang bigla kong marealize na lunch brean na nga pala ngayon at malamang naghihintay na si Brent sa akin kaya dali dali akong tumakbo papunta sa meeting place namin ng binata, hindi ko na pinansin ang maliit na boses na nagsasabi sa akin na baka isa lang itong patibong, mas nananaig ang kagustuhan kong makita ang binata.
Ilang sandali lang ay nakarating na ako sa tagpuan namin at nakahinga ako nang maluwang dahil mukhang nauna ako sa binata kaya naupo na lang muna ako sa bench na nasa lugar na iyon waiting for Brent.
Ilang sandali lang ay narinig ako nang paparating na mga yabag at ngiting ngiti na ako habang hinahantay ang binata ngunit agad ding nawala ang ngiti kong iyon nang makita ko sila Nadine, Gigi, and Roxane.
"A..... anong ginagawa niyo dito." nagrattle ako bigla nang makita ang tatlo at bigla akong nakaramdam ng malakas na kabog sa dibdib ko dahil mukhang alam ko na kung anong nangyayari.
"Hindi pa ba obvious Mhean kami ang naglagay ng sulat sa locker mo para pumunta dito." nanunutyang sinabi ni Nadine na dahan dahan pang lumapit sa akin like a predator spying on it's prey.
"Pe...pero bakit, anong ginawa ko sa inyo para ganituhin ninyo?" pilit kong pinapatatag ang loob ko dahil nararamdaman ko na ang pag-iinit ng mga mata ko.
"Well let's just say that you're such an eyesore, ang sakit mo sa mata." ang natatawa nitong sinabi.
"Hindi naman mahalaga kung anong panlabas na itsura ah ang mas mahalaga ay kung ano ang nasa loob." ang sinabi ko dito.
"Wow! That's what to expect sa mga taong panget na katulad mo, hello..... wake up Mhean mga taong panget lang at masasagwa ang itsura ang magsasabi niyan, at ang kapal naman ng mukha mo para isipin na ang tulad ni Brent Dela Cruz ay magkakagusto sa isang katulad mo! You should wake up to your imaginary world thinking na may magkakagusto sa isang panget, nerd na katulad mo.' ang masakit nitong sinabi.
Hindi ko na kinaya ang mga masasakit na pananalita nang mga ito kaya dali dali akong tumakbo palayo sa lugar na iyon, dinig na dinig ko pa ang malalakas na tawanan nang mga ito.
Dumiretso ako sa cr kung saan nagkulong ako sa isa sa mga cubicle kung saan ako umiyak ng umiyak. Sobra akong nasaktan sa mga sinabi ng mga ito dahil alam ko namang totoo ang mga sinasabi ng mga ito na pangit ako, baduy ako at malabong may magkagusto sa isang katulad ko.
Umiyak ng umiyak lang ako ngunit napatigil ako nang marinig ko ang boses ng talong babae na naging dahilan kung bakit ako naging miserable ngayon.
"Well I think masyadong naging harsh ang sinabi mo kay Mhean Nadine." ang natatawang sinabi ni Roxanne.
"Hindi ah sa totoo nga lang kulang pa nga ang ginawa ko sa kanya and besides kasalanan ko ba kung masakit malaman ang katotohanan ika nga nila truth hurts." ang natatawang sinabi nito.
"Kunsabagay may point ka diyan!" sinabi naman ni Gigi.
Ilang sandali din, hindi ako humihinga habang nakikinig sa usapan nila, at nang masigurado kong wala na sila ay saka lang ako lumabas ng cubicle na pinagtataguan ko.
Hindi ko mapigilan pagmasdan ang itsura ko sa salamin, mapulang mapula ang mga mata ko dahil sa pag-iyak ko at mas nagmukhang malaki ang mga mata ko dahil sa makapal na suot kong salamin at ang suot ko pa.
"I have enough!" galit kong sinabi sa sarili ko.
Minabuti kong hindi na muna pumasok sa mga natitirang subjects ko nang araw na iyon dahil hindi ko alam kung paano ko pakikiharapan ang mga classmates ko sa sitwasyon ko ngayon.
Isang desisyon ang nabuo sa aking isipan at hindi ko alam kung pagsisihan ko ang gagawin ko ngunit alam kong kailangan kong gawin ito.
Dumiretso ako sa SM North at binalikan ko ang botique na nadaanan ko kahapon at binalikan ko ang mga damit na nakita ko.
"Kayo pala ulit Maam." nakangiting sinabi ng saleslady na kumausap sa akin kahapon.
"Ate gusto kong bigyan mo ako ng medium nito, nito, nito, at nito." ang sinabi ko sa natatarantang saleslady, siguro dahil sa madami akong tinurong damit dito.
Para tuloy may nagsasalitang konsesya ko na nagsasabing maghunos dili ako dahil nga sinabi ng mom ko na kaaya aya sa Diyos ang mamuhay ng payak ngunit sa nararamdaman ko ay kulang pa ito kaya dinagdagan ko pa ang binili ko, bumili na din ako ng paldang nauuso at ilang sapatos.
Ginamit ko ang debit card ko na inopen ng magulang ko sa akin, doon kasi nila nilalagay ang allowance ko at dahil hindi ko naman ginagagalaw ang allowance ko ay halos hindi man lang iyon nababawasan.
Makalipas lang halos ng kalahating oras ay dala dala ko na ang mga magagarang damit ko at napadaan ako sa bilihan ng mga salamin at naisipan kong magpagawa ng salamin ngunit nagbago ang isip ko at imbes na salamin ay nagpagawa ako ng contact lens na may grado.
"Ate gaano po katagal bago magawa yang contact lens ko?" tanong ko sa babae sa harap ng cashier matapos kong magbayad.
"Ah mga thirty to an hour." ang sagot naman nito sandali lang akong napaisip at kesa maghintay ako nang matagal ay minabuti ko na munang maglibot libot hanggang makarating ako sa Bench Fix at isang desisyon na naman ang nabuo sa akin at dali dali akong pumasok at agad naman akong inasikaso doon at halos kalahating oras din nang matapos ang stylist na naggupit nang buhok ko maganda sana ang gupit nito hindi ko lang talaga ma appreciate dahil nga sa suot kong salamin.
Matapos magbayad ay bumalik na ako sa pinagpagawaan ko ng contact lens at sakto naman na tapos na kaya minabuti ko nang umuwi nang bahay.
Totoo nga ang sinasabi nila na nakakatulong ang pagshoshopping kapag malungkot ka o kaya kapag stress ka.
Dali dali akong nagtanggal ng damit hanggang mga underwear ko na lamang ang suot ko at dali dali kong sinuot ang unang dress na nadampot ko, tinanggal ko na din ang makapal kong salamin at sinubukang isuot ang contact lens, pinili kong clear na lang ang bilhin kesa sa may kulay at hindi madaling magsuot ng contact lens ah, sobrang hirap kaya at matapos ang mga sampung try siguro ay nasuot ko na din.
At nang tignan ko ang mukha ko ay hindi ako makapaniwala sa nakita kong itsura ko sa salamin pero napansin kong parang may kulang, kaya agad akong lumabas ng kuwarto at dumiretso sa kuwarto ng mga magulang ko, mabuti na lang at ako lang ang tao sa bahay.
Dumiretso ako sa salaminan ng mommy ko at agad kong nakita ang hinahanap ko, kumuha ako ng lipstick at blush on sa tokador nito at bumalik na ako sa kuwarto ko.
"s**t!" ang nasabi ko sa sarili ko nang nasa harap na ako ng salaminan ko dahil hindi naman ako marunong mag make up.
Tinurn on ko ang computer ko at sandaling nanood ng make up tips kung paano mag apply ng mga iyon sa mukha at ilang punas at apply din ang nangyari hanggang masatisfy na ako sa nakikita ko sa salamin.
Dali dali akong kumuha ng picture gamit ang mac book ko at natuwa naman ako sa nakikita kong itsura ko kaya agad kong nilogin ang f*******: account ko at iauplod ko na sana ang bago kong picture.
Nakatapat na ang mouse cursor sa submit nang bigla kong narealize ang isang bagay.
"Wait, I don't think magugustuhan ng mga magulang ko kapag nakita nila ang bagong itsura ko." ang sa loob loob ko.
Nagpalakad lakad ako sa loob ng kuwarto habang iniisip ko kung isasubmit ko ba at iririsk na magalit sa akin ang parents ko hindi o huwag na lang at itago ang sikreto kong ito.
At isang bright idea ang pumasok sa utak ko.
Agad akong nag logout sa f*******: account ko na halos walang nakaadd na kaibigan maliban sa parents ko at ilang matatandang umaattend ng church.
"Sign up." click ko matapos noon ay gumawa ako ng bagong account medyo natigilan lang ako sa pangalan na puwedeng ilagay hanggang magdecide ako ilagay ang pangalang Alodia Raymundo.
Matapos lang ang ilang minuto ay napangiti ako sa nakita kong bagong account na nagawa ko sa f*******: gamit ang pangalang Alodia Raymundo.
Nakapagpost na din ako ng ilang pictures na kinuhanan ko kanina at natuwa naman ako sa resulta.
"Mary nandiyan ka na ba?" ang sigaw sa baba ng Mommy ko at bigla akong nataranta lalo na't hindi ko namalayan ang oras kaya dali dali kong tinanggal ang suot ko pati na din ang contact lens ko na maingat kong nilagay sa aparador ko, maingat akong naglakad papunta sa kuwarto ng mga magulang ko at binalik ang make up ng mommy ko sinigurado ko pang maayos ang pagkakasalansan para hindi mahalata nito na ginalawa ko ang gamit niya.
Naririnig ko na ang mga yabag ng mga paa nito kaya dali dali akong bumalik sa kuwarto ko at nahiga at nagtalukbong ng kumot.
Sakto naman na narinig ko pa ang pagbukas ng pinto ng kuwarto ko.
"Tulog na pala siya." ang narinig kong sinabi ng mommy ko na tinurn off ang ilaw ng kuwarto ko, pagkalapat na pagkalapat ng pinto ay saka lang ako nakahinga ng maluwang, kumuha ako ng tissue at maingat na binura ang make up ko sa mukha.
"That was a close one." ang nasabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa nakapatay ng computer.