SELAH "WHERE'S my phone?" tanong ko sa kanya, matapos ang mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa. "I hid it," seryoso niyang sabi. Nilahad ko ang kamay sa harap niya. "Give it back to me," mariin kong utos. Umiling siya kaya nangunot ang noo ko. "Why? That's my phone. Kailangan kong tumawag sa amin dahil sigurado akong nag-aalala na sila," galit kong turan. Naiinis ako dahil nag-aalala ako sa mga anak ko. Sigurado akong naghihintay na sila sa akin at baka nga umiiyak na sila hanggang ngayon. "Sino ang tatawagan mo?" "Wala ka na do'n, Magnus. Ibalik mo na lang sa akin kung ayaw mong magalit na naman ako sa iyo," pananakot ko sa kanya. Mukha namang effective dahil tumayo siya agad at walang imik na lumabas nitong kwarto. Sinubukan ko nga ulit iyong buksan ngunit naka-lock

