"B-Baby, di ba dapat ako ang nandiyan sa hinihigaan mo? Bakit inunahan mo ako?" Nanginginig ang mga labi ko habang pinakakatitigan ang napakaganda niyang mukha. Para siyang anghel na natutulog dahil sa sobrang payapa ng kanyang mukha. Hindi nakabawas sa kanyang kagandahan ang pamumutla ng kanyang mga labi na kitang kita sa transparent mask na nakatakip doon. "Alam mo bang ito ang sitwasyon na kinakatakutan ko kaya ako nagpakalayo layo?" Wala akong panahon na punasan ang mga luha ko dahil sa nararamdaman. Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa pinagsamang panghihinga dahil sa malubha kong sakit at hapdi ng aking puso dahil ang babaeng buhay ko ay nakaratay sa hospital bed at hindi ko alam kong magigising pa. Mabilis akong umiling upang ipalis ang negatibong ideya na pumasok sa isip k

