MIKAELA MICHEL AFTER TWO YEARS. "Mom, come over here!" Sigaw ni Maine habang nakakunot noong nakatingin sa'kin ng makababa ako ng sasakyan. Masaya ang pagkakangiti ko habang nakahawak sa tapat ng aking dibdib kung nasaan ang puso. Its been two years, simula ng mangyari ang lahat. Nalaman ko ang sakripisyong ginawa niya para lang mabuhay ako. Isang bagay na malungkot sa parte ko pero kailangan kong tanggapin dahil wala na akong magagawa. Iisa na ngayon ang mga puso namin. Malungkot. Mahirap. Masakit. Sa dami ng pagsubok sa buhay hindi ko akalain na magagawa ko pang ngumiti ngayon. At alam kong isa ang anak ko sa dahilan. Hindi pa rin kasi ako sanay na tinatawag ako ni Maine na 'mom,mommy or my' naninibago pa rin ako sa sayang nararamdaman ng kalooban ko dahil tanggap niyang ako ang

