MIKAELA MICHEL PAGKARATING sa airport ay agad akong lumabas pagkatigil ng sasakyan sa harap nito. Mabilis akong tumakbo suot pa rin ang gown na ginamit ko sa kasal kaya pinagtitinginan ako ng mga tao. Humarang sa'kin ang guard pero nagpumilit pa rin akong makapasok. Natigilan ito ng makita ang pagtango ni Seven na nasa likod ko pala syaka ako pinatuloy sa loob. Nawala sa isip ko na ito rin ang airport na pinuntahan namin ni First ko papuntang bakasyon, na pag-aari ng mga Castillion. "Hihintayin kita, wag kang tatakbo baka makasama sa'yo." Dinig kong bilin niya na mabilis kong tinanguan. Ako pa rin talaga ang iniisip niya. Nagtanong tanong ako sa mga staff ng airport kung anong oras ang flight ni First Castillion dahil sigurado akong kilala nila ang First ko. "Fifteen minutes nalang po

