"Ayy!"
Naalarma ang mga estudyanteng nasa tabi ni Meygan nang bigla siyang matumba. Agad naman siyang nasalo nina Rupert at Desiree na siyang malapit sa kaniya.
"Meygan, anong nangyari sa 'yo?" alalang tanong agad ni Desiree. Nakaupo na sila ni Rupert habang ang ulo ni Meygan ay bahagyang inihiga ni Rupert sa lap nito.
"What happened to her?"
Nanlambot lang naman ang tuhod ni Meygan kaya parang nawalan siya ng lakas at tuluyang tumumba. At parang mas lalo yatang nag fifty-fifty ang heartbeat ni Meygan nang sumilay sa kaniya ang mukha ni Jayden. Si Jayden lang naman ang nagtanong kung anong nangyari sa kaniya. Nag-iwas ng tingin si Meygan at kay Desiree sumagot tutal ganoon din ang tanong nito sa kaniya.
"N-Nahilo l-lang a-ako," anito na pilit ngumiti kay Desiree.
'Tingin ko dapat ko ng iwasang makita itong sina Tan at Chi ng malapitan... baka mapaaga ang kamatayan ko nito.' sigaw ng isipan ni Meygan.
Sinikap ni Meygan na makatayo na at tinulungan naman siya ni Desiree.
"Is she okay?" medyo lumapit na rin pala si Christine sa kanila.
"Nahilo lang daw siya," sagot ni Desiree ng nakangiti kay Christine.
"Oh, buntis?"
Hindi nakaligtas sa pandinig ng lahat ang sinabing iyon ng isa sa mga naroon. Halos mamula naman ang mukha ni Meyagan. Agad niyang tiningnan ang nagsabi niyon at 'di na siya nagulat pa. Isa sa haters niya as usual. Pero siyempre, mas importante kay Meygan ang reaksiyon nina Tan at Chi.
'...Lord, 'wag namang ganito.'
Gustong samaan ng tingin ni Meygan ang babaeng nagsalita na buntis siya nang makita ang reaksiyon nina Tan at Chi. Si Jayden Chi ay nakapameywang habang iginagalaw-galaw nito ang mga paa na akala mo ay nag e-exercise. Sobrang nakaka-inlove para kay Meygan ang ganoong ayos ni Jayden. Pero siyempre, nakatingin ito sa kaniya na waring nananantiya kung totoo ngang buntis siya. At nang dumako ang tingin niya kay Cailer, nakatukod naman sa semento ang isang tuhod nito habang ang isang kamay nito ay nakapatong naman sa isa pang tuhod nito kaya naman para na rin itong nakaupo sa ayos niya. At gaya ni Chi, nakatingin din ito sa kaniya, pailalim nga lang ang tingin ni Chi na mas lalo yatang nagpakisig dito para kay Meygan.
Napalunok si Meygan. Actually, lahat naman talaga ng nandoon nakatingin sa kaniya eh. Mas importante lang talaga kay Meygan ang reaksiyon nina Tan at Chi.
"H-hindi a-ako b-buntis... n-nahilo l-lang t-talaga a-ako..b-baka h-hindi p-pa a-ako m-magaling...p-pasensya n-na k-kayo.." mautal-utal sa pagpapaliwanag si Meygan.
'Puwede bang 'wag niyo na akong tingnan, utang na loob, Jayden at Cailer!'
"Ah, may sakit ka?"
Biglang nanlamig na naman si Meygan nang magtanong si Jayden. Hindi niya na naman alam kung paano makakasagot nang ayos. Pasalamat na lang siya at si Desiree ang sumagot.
"Nagkalagnat kasi siya. Noong isang araw. Baka kaya rin siya nahilo dahil 'di pa siguro masyadong magaling."
"Ow. Iyong ate ko, ganyan din mga naranasan niya noong malaman niyang buntis pala siya. Nagkalagnat din siya then madalas na siya mahilo," segunda na naman niyong babaeng nagkonklusyong buntis si Meygan.
Kung wala lang siguro roon sina Tan at Chi, malamang nakatikim na ng mga salita ito mula kay Meygan. Pero dahil nandiyan ang dalawang MVP ng buhay niya, nagpipigil na lang siya.
"Anyway, let's continue. Okay na naman si . . .what's your name?" nakangiting tanong ni Christine kay Meygan.
"H-ha?" parang wala pa rin sa sarili si Meygan nang sumagot.
"Meygan Go," si Desiree na naman ang sumagot kaya naman nginitian na lang ni Meygan ito bilang pasasalamat.
"Ah, see. So can we continue, Meygan?" friendly talaga ang dating ni Christine.
"A-ah...ye-yes...Yes!" pinilit ng magpaka normal ni Meygan dahil nakakaramdam na siya ng hiya roon.
"The nomination for secretary is now open," pagpapatuloy ng muli ni Christine.
"I respectfully nominate Wyncy Teng for secretary."
"She won't get my vote," bulong ni Desiree.
Si Wyncy lang naman ang nagsalita kanina ng baka buntis si Meygan. Hindi umimik si Meygan pero iyon din naman ang nasa isip niya.
"I respectfully nominate Jasmine Chi for secretary."
Napalingon si Meygan sa babaeng nagpunta sa harapan.
'Kaano-ano niya kaya si Jayden?'
Nagulat pa si Meygan nang magtaas din ng kamay si Rupert.
"I respectfully nominate Meygan Go for secretary."
Parang naipako sa kinatatayuan si Meygan sa ginawang iyon ni Rupert. Habang si Desiree naman ay ngiting-ngiti pa.
********
"Nabalitaan ko iyon."
Hindi pinansin ni Meygan ang isinalubong ni Jai sa kanya. Padaskol niyang hinila ang upuan doon at umupo nang walang kabuhay-buhay. Kararating niya lang sa dorm nila.
"Hays. Buti pala nandoon sina Desiree at Rupert, kung hindi, walang ibang tutulong sa 'yo roon," patuloy pang sabi ni Jai habang umiinom ng Moo. Iyong chocolate drink at napansin naman iyon ni Meygan.
"O, akala ko ba nagtatae ka, ha? Bakit naka chocolate drink ka?" biglang tanong ni Meygan.
Nag-iwas ng tingin si Jai at hindi ito sinagot. Naningkit naman ang mga mata ni Meygan. Naisip agad nito na nagsinungaling si Jai sa kanya.
"Jai . . .alam . . .mo . . .bang . . .may . . .election . . .ngayong . . .araw?" tila nagbabanta pa ang tinig ni Meygan.
Bigla namang nag peace sign si Jai na lalong kinainis ni Meygan.
"Jai naman! Bakit 'di mo sinabi?!" napapadyak pa ito.
"Ayoko kasing pumunta roon," parang wala lang na sagot ni Jai.
"Eh bakit nga 'di mo sinabi? Eh 'di sana alam ko para 'di na rin ako pumasok ngayong araw!" parang maiiyak pang sabi ni Meygan.
"Kasi nga hindi pwede. President and vice president wala? Malalagot tayo pareho niyan," ani Jai.
Napasubsob na lang si Meygan sa harap ng maliit na tokador na nandoon.
"I'm running for secretary," hopeless nitong sabi habang nakasubsob pa rin.
"Huwag kang mag-alala, 'di ka mananalo," maagap na sabi ni Jai.
Biglang napaangat ang mukha ni Meygan at sinamaan nito ng tingin si Jai.
"What? Gusto mo bang manalo?" maang ni Jai.
"No!" mariing tanggi ni Meygan.
"Naman pala eh!"
Ngani-nganing batukan ni Meygan ang kaibigan.
"Ano pa bang nangyari sa 'yo roon? Bukod sa muntik ka nang himatayin na sigurado kong dahil kay Cailer o kay Jayden, at bukod sa pang-iinis ni Wyncy, at bukod sa ni-nominate ka ni Rupert, at bukod pa sa lima lang ang bum —"
"Stop," pigil ni Meygan sa kaibigan.
Pigil naman ni Jai na mapatawa. Inaasar niya lang talaga ang kaibigan. Alam naman talaga nito lahat ng nangyari kanina dahil naikuwento sa kanya ni Brianna. Nandoon din kasi si Brianna at na-nominate din itong fourth year representative at nakuha naman ni Brianna ang pagkapanalo na hindi pa naman pinal dahil hindi pa tapos ang botohan.
"Buti pala bukod kay Brianna may dalawa pang bumoto sa 'yo? Sino? Hindi naman siguro sina Jayden at Cailer 'no?"
Sinamaan na naman ito ng tingin ni Meygan.
"Ano ba? Baka bigla na lang akong mamatay dito ha. Para nagtatanong lang eh..." ani Jai saka tumayo para magtungo sa cr.
'Magtae ka sana talaga'
Napabuga ng hangin si Meygan saka naalala ang nangyari kanina...
FLASHBACK
"Hmm...puwede palang i-nominate kahit may posibilidad na baka buntis siya?" sabi ni Wyncy nang marinig nitong ni-nominate siya ni Rupert.
"Mas lalo namang dapat hindi ni-no-nominate iyong mga taong walang magawa kundi manira ng kapwa. Hindi siya magandang role model sa mga estudyante, 'di ba?" pataray namang sagot ni Desiree.
Natahimik naman bigla si Wyncy dahil doon. At nang mag-umpisa nga ang botohan, natalo roon si Meygan. Si Jasmine Chi ang nanalo at pumangalawa lang si Wyncy. Nakita ni Meygan na nagtaas ng kamay sina Jayden at Cailer para kay Jasmine. Malakas ang kutob ni Meygan na kapatid ni Jayden si Jasmine. Pero nag alangan din siya dahil bakit parehong fourth year student ang mga ito at mukha ring magka edad lang. Si Meygan naman ay sinuwerte pang nakakuha ng limang boto. Isa nga doon ay si Brianna. At ang isa ay isang lalaki mula sa first year student. At ang isa ay mula kay Third Lee. At sina Rupert at Desiree kaya lima lahat. Inisip tuloy ni Meygan na baka ibinalik lang niyong Third yung ginawa niyang pagboto rito kanina. Kahit paano nakaramdam pa ng awa si Meygan kay Third. Parang sigurado na kasi si Meygan na si Cailer ang mananalo sa pinale. Natapos ang botohan at may sinabi si Christine sa kanila.
"Ihanda niyo iyong mga gagawin niyo para sa pangangampanya niyo ha. Bahala kayo kung anong diskarte niyo," dagdag pa ni Christine.
END OF FLASHBACK
"Ano sa tingin mo, Meygan. Iboboto pa ba kita o hindi na? Sayang naman kasi iyong boto ko kung hindi ka rin naman mananalo."
Napabalik sa reyalidad si Meygan nang marinig nito ang boses ni Jai. Isang masamang tingin lang ang ibinigay niya sa kaibigang tatawa-tawa saka deretso nang inakyat ang kama nito at humiga na nang nakatalikod sa gawi ni Jai. Mamaya na siya magbibihis ng pambahay kapag tinigilan na siya ng kaibigan.
"I love you, bestfriend," dinig niyang sabi nito.
Napangiti na lang si Meygan sa kalokohan ng kaibigan nito sa kanya.
'Jayden...Cailer...'
Ipinikit ni Meygan ang mga mata at parang nakikita pa nito sina Jayden at Cailer na seryoso ang tingin sa kanya dahil sa haka-haka ni Wyncy na baka buntis siya...
Napamulat siyang muli at nakaramdam na naman ng pagkainis kay Wyncy.