Abot tenga ang ngiti ni Meygan nang pumasok kinaumagahan. Kahit na nangangalumata siya dahil sa hindi maayos na tulog kagabi, masayang-masaya ang pakiramdam niya.
Pagbungad niya sa pintuan ng classroom nila ay agad siyang sinalubong nina Rupert at Desiree ng may pagtataka sa mga mata.
"Anong meron?" natatawa at ang nagtatakang itsura ni Desiree.
Bigla tuloy napawi ang mga ngiti sa labi ni Meygan.
Gaano kasaya ba ang itsura niya ngayon na halos magtaka pa ang mga kaklase niya?
"Ahmm," kumunot ang noo niya na tila 'di maapuhap ang isasagot dito dahil wala rin talaga siyang maisasagot.
"Ayos lang 'yan Meygan," bigla namang singit ni Rupert at bahagya pang inakbayan si Meygan, "tama lang 'yong ganitong awra niya Desiree," anito pa na tumingin kay Desiree, "para mas maging energetic at ganadong-ganado siyang mangampanya mamaya."
Muling kumunot ang noo ni Meygan. "Mangampanya?" nagtataka nitong tanong na kay Rupert tumingin na nananatiling nakaakbay pa rin sa kanya.
"Yup. Hindi mo alam?" si Desiree ang sumagot kaya sa kanya naman nabaling ang tingin ni Meygan.
"Wait," tila naguguluhang sambit ni Meygan kasabay ng paghawi niya sa kamay ni Rupert na nakaakbay sa kanya. Nag make-face naman si Rupert. "Wala akong maintindihan sa sinasabi ninyo eh."
"You forgot na you are running for secretary? Na soonest, pwede kang mapabilang sa SSG officers for the whole school year?" naka cross arms na sabi dito ni Desiree.
"Yeah," wala sa sariling sagot ni Meygan.
"So, today is the day!" nakangiti ng bulalas ni Desiree.
"Pwede ba, ano ba talagang meron?" tila nais ng magsuplada ni Meygan kung hindi niya lang iniisip na hindi naman dapat pagsupladahan ang mga ito na isa sa mga nakakasundo nila ni Jaileen.
"Meygan,ito ang araw na magpapakilala kayong magkakatunggali isa-isa sa stage at kumbinsihin kaming mga nandito sa Wellton na karapat-dapat kang iboto. Gets?" tinaasan pa ito ni Desiree ng kilay.
Kinabahan bigla si Meygan.
Hindi pwede.
Hindi pwede lalo pa at hindi naman siya handa.
KANINA pa patingin-tingin si Meygan sa screen ng cellphone niya. Inaabangan niya kung may text o tawag na ba si Jaileen.
'Jai, please. Kailangan ko ng pampalakas loob,' bulong niya sa isipan.
Nasa gym sila nang mga sandaling iyon. Doon ginaganap ang sinasabing panangampanya nila. Sobra-sobra talaga ang kabang nararamdaman niya. Ni hindi niya nga alam kung anong sasabihin sa harapan kapag siya na ang magsasalita.
Maluwang ang gym kaya naman halos lahat sila ay kasya roon.
"Meygan!"
Natigil sa pagmumuni-muni si Meygan nang marinig ang tinig ni Desiree at Rupert. Kumakaway ang mga ito sa kanya.
Nasa gilid kasi siya ng stage kasama ang mga kapwa tatakbong officers para sa buong taon na iyon.
Bahagyang nakalapit sina Rupert at Desiree pero hindi iyong lapit na lapit talaga.
"Galingan mo ha! Okay na," malakas na sabi ni Desiree dahil nga may nagsasalita sa stage ng gymnasium nila.
"And now, kilalanin naman natin ang mga tatakbo sa pagka-bise presidente ng eskwelahang ito," boses ng teacher na siyang nag e-emcee roon.
"Ano?!" malakas na sigaw ni Meygan dahil hindi niya naintindihan ang sinabi ni Desiree.
"Galingan mo iyong speech mo! Para hindi sayang effort namin!" si Rupert ang sumagot sa mas malakas na boses kaya naman mas narinig iyon ni Meygan. Pero gaya ng kanina, hindi niya ma-gets kung ano ang pinupunto ng mga ito.
Napatingin siya sa stage. Malapit ng matapos ang sa vice president. Silang mga secretary na ang susunod.
"Excuse me," isang mataray na boses ang narinig niya at bahagya pa siyang binangga.
Kaya naman pala.
Si Wyncy.
Naglakad ito palapit sa puno ng hagdan paakyat sa stage na naroon.
'eh di mauna na siyang mangampanya! Hiya naman ako,' inis na hiyaw ni Meygan sa isipan niya.
Maya-maya ay narinig niya ang biglang tawanan ng mga nandoon. Saka siya napatingin sa nagsasalita. Marahil ay may hatid na joke kanina ang nasa harapan kaya nagtawanan ang mga nandoon.
Si Jayden.
Ibinaling niya ang tingin sa iba kahit na nakakaramdam siya ng kilig. Naalala niya kasi na nag follow back si Jayden sa kanya.
Kanina ay natiis niya talagang hindi tignan si Cailer kahit pa narinig niya ang boses nito. Pero ngayon, hindi niya naman alam na si Jayden na ang nagsasalita dahil kausap niya sina Rupert kaya napatingin siya sa stage ng marinig ang tawanan ng mga nandoong estudyante.
Kasalanan na naman ni Wyncy eh. Kung hindi ba naman ito umentra kanina sana narinig niya na si Jayden na ang nagsasalita para sana napigilan niyang tumingin doon. Wala na naman tuloy tigil ang kabog ng dibdib niya. Parang natatae na rin siya sa nararamdaman.
"In fairness ang ganda mo rito."
Pigil na pigil ang inis ni Meygan na tignan si Wyncy. Alam niyang ito ang nagsalita. Talagang hindi rin siya titigilan eh.
Hindi niya na sana talaga dapat ito papansinin nang bigla itong may ilahad na papel sa tapat mismo ng mukha niya kaya naman kitang-kita niya kung ano iyon.
Mga sinlaki ng one eighth paper ang nakikita niya na may print ng picture niya!
Gulat siyang napatingin kay Wyncy.
"Oh," react ni Wyncy saka muling tinitigan ang papel, "looks like you don't know about this," anitong nakatitig pa rin sa papel.
Tama siya. Hindi niya talaga alam ang tungkol doon. Saka siya napatingin sa kinatatayuan nina Rupert at Desiree. Iyon ba ang sinasabi nilang wag niyang sasayanging effort nila?
"How sweet of your friends naman, Meygan. Nag effort pa silang gumawa nito eh sigurado namang matatalo ka rin lang," nang-iinsulto ang tonong iyon ni Wyncy.
Ayaw pumatol ni Meygan. Kahit paano, may good morals and right conduct pa rin siya! Pag pinatulan niya si Wyncy, tiyak na siya ang lalabas na masama at magiging kahiya-hiya.
Muli niyang tinapunan ng tingin ang papel na hawak ni Wyncy.
Nasa left side ang mukha niya roon at sa right side ay nakasulat sa italic bold letters ang mga katagang "VOTE!MEYGAN GO FOR SECRETARY!"
Iyon na nga sigurado ang sinasabi ni Rupert na effort nilang wag niyang sasayangin.
"Secretaries."
Napukaw ang atensyon nila pareho ni Wyncy nang marinig iyon. Nag flip pa ng buhok si Wyncy na sinadya yatang ipatama sa mukha niya bago ito humakbang paakyat sa stage.
Dahil sa ginawang iyon ni Wyncy, tila mas nangibabaw tuloy ang inis niya kesa sa kabang nararamdaman kanina. Lakas talaga maka bad vibes ni Wyncy sa kanya.
"Goodmorning Wellton'ians!" ang malakas at masiglang bati ni Wyncy.
Palakpakan naman ang mga estudyanteng naroon. Wala pa man talagang nasasabi ng maayos si Wyncy ay mukhang bumilib na ang mga ito sa energy ng babae. Idagdag pa ang angkin din nitong ganda. Ang ugali lang talaga ang kayang itago sa harap ng maraming tao.
"Standing in front of you is no other than Wyncy Daza Teng!"
'Pageant ba 'to?!' hiyaw ng isip ni Meygan nang marinig ang ginamit ni Wyncy na mga salita.
"Kindly vote for me as your new secretary and I will make sure that your whole school year will be the best having me as your secretary!"
'Ano daw?' patuloy sa pagkontra sa isipan niya si Meygan.
"Thank you! And once again,this is Wyncy Teng, your one of a kind secretary!" pagtatapos ni Wyncy na sinundan naman ng palakpakan.
'Seriously? Pinalakpakan talaga yung mga sinabi niya? Pero as if namang mananalo siya. Asa pa siya! Asa rin ako . . .sigurado namang si . . .' habang nagsasalita sa isipan niya ay nilingon niya ang kinatatayuan ni Jasmine Chi. Pumapalakpak din ito pagkatapos ay naglakad na rin papunta sa stage.
"Goodmorning classmates, schoolmates, to our dear teachers and to the principal of Wellton Academy!"
'Iyon ang tamang pagbati,' nakangiti si Meygan habang nakatitig sa mukha ni Jasmine. Hula niya talaga ay kapatid ito ni Jayden lalo pa at sobrang ganda rin nito. Baka nga kakambal pa ito ni Jayden dahil pareho silang fourth year.
Malakas na palakpak din ang pinakawalan niya nang matapos si Jasmine.
Saka niya biglang naalala na siya na nga pala ang susunod.
Napatingin siya sa gawi nina Rupert at Desiree. Ayaw niya sanang magbigay ng maayos na speech sa harap dahil ayaw niya naman talagang manalo. Pero nakokonsensiya naman siya dahil sa effort na ginawa ng dalawa.
Aakyat na sana siya nang tumunog ang cellphone niya. Mabilis pa sa kidlat na inilabas niya ito dahil alam niyang si Jai na iyon.
Matapos mabasa ang text ng kaibigan ay mas lalo pa yata siyang nakokonsensiya. Hindi naman kasi siya handa kaya hindi niya inaasahan ang expectation ng tatlo sa kanya. Tsaka ang alam niya talaga, hindi magbibigay ng encouraging words si Jai dahil alam din naman nitong ayaw niya sa ideyang tumatakbo siya bilang secretary sa eskwelahan nila.
Huminga siya ng malalim bago nagpasyang umakyat na sa stage. Pagkaapak pa lang ay todo-todo na ang kaba ni Meygan. At mas lumala pa iyon nang hindi sinasadyang magkatitigan sila ni Cailer. Hindi niya alam kung nakatingin ba talaga ito sa kanya pero normal lang iyon dahil lahat ng nandoon ay siguradong sa kanya talaga nakatingin dahil siya na nga ang magsasalita.
Mabilis na nag-iwas ng tingin si Meygan lalo na at sobra na ang kabog ng dibdib niya. Mas lalo talaga siyang kinabahan nang mapatitig kay Cailer. Sana naman walang nakakahiyang mangyari sa kanya ngayon.
Sa pagmamadaling madampot ang microphone ay hindi sinasadyang maapakan niya ang wire nito at nang bigla niyang hilain ang mic para itapat sa bibig niya ay natural na nahila ang wire na nagdudugtong dito kaya naman bigla siyang natumba.
Pero bago pa siya bumagsak ay naramdaman niya ang mga bisig na sumalo sa kanya . . .