Wala sa hinagap ni Marble na sa unang beses na pagtuntong niya sa Manila, masaklap na agad ang buhay na kanyang yayakapin. Iniwan siya ng tyahin sa Luneta at nagkaruon pa siya ng aalagaang mas matanda pa ata sa kanyang lolo at lola sa probinsya. Tapos na silang kumain ng gabing yun. Nakaraos din, salamat sa pagiging kwela ng matandang kasama at nagkaruon sila ng perang pinambili ng pagkain. Nakita niyang humiga sa bermuda ang matanda, walang kahit na anong sapin sa ibabaw ng d**o. "Oy lolo--aww anak." awat niya rito. "Wag kang humiga jan. Marumi yan jan." saway niya ngunit di ito sumagot, sa halip ay ipinikit ang mga mata. Awang binuksan niya ang dalang backpack at kinuha ang naruong duster na gamit niya sa pagligo, pinunit ang gitna ng damit saka niya inilatag sa tabi ng matanda.

