Dalawang oras na niyang sinusuyod ng lakad ang buong luneta. Nagugutom na siya pero ayaw niyang dukutin sa bulsa ang natitirang pera. Hanggang napaupo siya sa bermuda sa tabi ng isang malaking puno sa gilid ng makipot ngunit sementadong daan kung saan maraming mga taong nagpaparuo't parito. Iyon na lang kasi ang malaking espasyo duon, karamihan ay ukupado na ng mga taong nasa loob ng park. Maya-maya'y nagulat pa siya nang may tumabi sa kanya. Nang sulyapan niya ito'y napatayo siya bigla. "Ikaw na naman?" hiyaw niya sa matandang hukluban. Ang tamis ng ngiti nito pagkatingala sa kanya saka mahinang tumawa, noon niya lang napansing wala na itong kahit isang ngipin sa harapan, naglagas na marahil. Pinagpag nito ng kamay ang kanina'y kinauupuan niya. "Halika po Nanay. Dito tayo ma

