Pinagmasdan muna ni Marble ang paligid at inalam kung saan siya naruruon saka muling bumaling sa nilabasan ng kanyang tyahin. Inayos niya ang pagkakasukbit ng backpack sa kanyang magkabilang balikat at inilagay sa harap ng dibdib ang katawan ng bag saka siya tumakbo para habulin ang kanyang tyahin. Ayaw niyang maghinala ng kung ano pa. Baka nga malapit sa palengke ang lugar na kinaruruunan nila. Baka nasa labas lang niyon ang kanyang tyahin. Nang makalabas na sa park ay muli niyang iniikot ang tingin sa palibot. Wala siyang nakitang palengke sa paligid, sa halip ay mga puno sa gilid ng park at mga sasakyan sa kabila at harap ng kinatatayuan. Biglang nangatog ang kanyang mga tuhod, saka siya nakaramdam ng takot. Iniwan ba siya duon ng kanyang Tyang Amanda? Sinadya ba siya nitong iwan? Hi

