Coming here is not so bad at all! Hindi nais bigyan ni Hans ng ibang kahulugan ang sinabi ni Angela pero may ibang damdamin siyang naramdaman para dahil sa sinabi nito. A sudden feeling of an inexplicable joy and excitement. Matiim niyang pinagmasdan ang dalaga habang patuloy ito sa paglalaro ng tubig ulan sa mga kamay. He's starting to get to know a deeper part of her at unti-unting nagbabago ang pagtingin niya rito. Kusang tumaas ang kamay ni Hans upang abutin sana ito nang bahagyang mapapitlag dahil sa busina ng sasakyan. Agad ibinaba ang kamay bago pa lumingon si Angela sa kanya. "Stay here..." Aniya at walang pagdadalawang-isip na lumabas mula sa kinasisilungan ang binata upang silipin ang kinaroroonan ng iniwan na sasakyan. Nakita niya ang isang kasamahang sundalo na lumabas mula sa

