"Hans..." Tawag ni France sa lalaki na may bitbit na plastic ng mga prutas. Halos magka-panabay na lumingon sina Hans at Xander sa pagtawag ni France. Naglakad palapit ang babae at natutok ang mata sa mga dala ng tinawag. "Saan kayo galing. Are those for me?" She assumed though may hinala ang babae kung para kanino yun base sa narinig na pag-uusap ng dalawa. "Those are for Miss Martinez, Lt Guillermo." Si Xander ang sumagot dahil alam nitong hindi sasagot ang kaibigan. Ewan ba niya at parang kabawasan sa pagkakalalaki nitong umamim na nag-aalala ito sa dalagang Martinez. "Oh, may sakit nga pala siya." Turan ng babae at sinipat ang laman ng mga plastics. Oranges, apples, grapes and some local fruits like lansones. "Panahon ba ng lansones ngayon?" Nagningning ang matang kinuha ang isa

