CHAPTER THREE

1032 Words
"May sakit daw si Alexa," imporma ni Tasia sa kanya habang kausap siya sa telepono. "Huh? Dalawin natin siya. Mag-isa lang iyon, hindi maasikaso ni Aling Martha," sabi niya na biglang nag alala. Ang mga parents kase ni Alexa ay nasa Europe. Doon ang talaga ang mga ito bale pauwi uwi lang sa Pilipinas. "Oo nga. Natapilok at napilay siya eh iyon ata ang ikinalalagnat niya," sabi pa ni Tasia. Aspiring model kase si Alexa, iyon ang pangarap nito noon pa. Ang maging isang super model na kikilalanin sa larangang iyon. Matapos mapagdesisyonang pupuntahan nila ang dalaga agad na siyang naligo at nag ayos. Susunduhin siya ni Tasia sa kanila. Habang hinihintay ito wala sa sariling tumanaw siya sa kanyang bintana. Sarado ang mga bintana ng kwarto ni Dylan. Maaring tulog ito o nagbulakbol? Katok sa pinto ang nagpa-putol sa iniisip niya, binuksan niya ito at nakita ang kanyang ina. Sunday kaya narito ang parents niya sa bahay.. Napakaganda pa rin na kanyang ina sa kabila ng edad nito. Dito niya namana ang maputi at makinis na balat, pati kulay ng buhok at bilugang mga mata. "Mag merienda kana hija," malambing na sabi nito. "Naku mama aalis po ako eh, pupuntahan namin si Alexa, may sakit," tugon niya sa ina at iginiya ito pababa sa sala. "Naku kawawa naman. Teka paghahanda ko siya ng niluto kong merienda at ibigay mo kay Alexa at Tasia. " At nagmamadali itong nagpunta sa kusina. Lumapit siya sa amang nagbasa ng diaryo at tumabi sa upuan nito sabay yakap. "Love you old man," lambing niya dito, tinapunan siya nito ng tingin at hinalikan sa noo. Ang namana niya sa ama ay ang tangos ng ilong at nipis ng labi. "Love you baby ko," baby pa rin ang tawag sa kanya nito kahit dalaga na siya. "Were you enjoying your gift?" Tukoy nito sa kotse na niregalo nito noong birthday niya. "Super. Pero medyo kabado pa po ako sa pagd-drive sa mas masasakyan na lugar," imporma niya habang nakayakap pa din sa ama. "Then don't drive muna sa ganoon. More practice,"" sabi ng ama na ipinagpatuloy na ang pagbabasa ng dyaryo. "Noted po." "Anong gusto mong regalo sa graduation mo?" Pagkaraan ay tanong sa kanya ng ama. Her graduation is coming and she is happy about it. Finally college life is over. Business management ang kurso niya dahil kailangan iyon dahil balang araw siya ang mamahala sa lahat ng business nila. "Nothing. I just want to celebrate it with you and mama," aniya sa malambing na tinig. " Ofcourse you can. What about money? You want some?" Anito "I think you better give it sa mga charity kesa sa'kin. You know me I am not materialistic and gastador," sagot pa niya sa kunwaring maarteng tinig. Hinaplos ng ama ang kanyang buhok. "Kaya nga proud ako sa'yo. Hindi kami nagkamali ng pagpapalaki sayo ng iyong ina." Sabi pa nito na maluha-luha. "Naku nagbobolahan pa kayo diyan. Pasali naman. "Sabat ng kanyang ina na may dalang paper bag na malamang naroon ang pagkain para kina alexa. Umupo ito sa tabi nila pagkalapag sa paper bag sa may table. At nakipag harutan sakanila. She was blessed for having a kind parents and all at wala na siyang mahihiling doon. "Kainggit naman." Boses ni Tasia na dumating na pala. Nagmano sa kanyang mga magulang.. Ilang saglit na kwentuhan at nagpaalam na sila. Tinungo na nila ang tirahan nina Alexa. "Hello po Yaya Martha si Alexa po?" Bungad ni Tasia ng pagbuksan sila ng Ginang. "Naku nasa taas po nagpapahinga, tuloy na po kayo sa kwarto niya," anito at iginiya sila papasok. Umakyat sila sa hagdan patungong second floor. Dala niya ang paper bag na may pagkain. Bahagyang nakaawang ang pinto ng kwarto ni Alexa, nauuna sa kanya si Tasia. "Alexa-" natigilan si Tasia pagsilip sa naka awang pinto at medyo umatras. "Oh bakit?" Nagtatakang tanong niya. "Look." At hinila siya palapit, pinasilip sa awang. And there, she saw Alexa with Dylan. Wala naman silang ginagawang masama pero sadyang masakit ang puso niyang nakita paano alagaan ni Dylan si Alexa. Nakaupo si Alexa sa kama habang ganun din si Dylan tapos pinapalitan ng gasa ang may pilay na paa. Makikita mo paano ka gentle bawat galaw ng kamay nito para hindi masaktan si Alexa. Alexa's watching Dylan doing that things with so much emotion. Masyadong masakit sa mata at puso, umatras din siya at huminga ng malalim. "Tara na huwag natin silang istorbohin," aya niya kay Tasia with low voice. "Duh. Pakapagod akong magdrive tapos di tayo papakita? Baliw ka ba?!" Bulong ni Tasia. "But they enjoying their moment," sagot niya na nakayuko. "Idiot! " Inis na turan nito at walang sabi sabing tinulak ang pinto. "Hello everyone!" Malakas na sabi ni Tasia, napasunod na lang siya rito. Nagulat pa ang dalawa. "You're here. Yehey! Naalala nila ako." Masaya si Alexa. Nag beso beso pa sila.. Si Dylan ay tahimik na nakamasid sa kanila "Kamusta girl?" Sabi ni Tasia kay Alexa. "I'm okay na. May nurse na akong magaling eh." She was really happy. That sparkling twinkle in her eyes tell it all. Too lucky, too lucky of her having the man of her dreams. That should be her. "Bababa muna ako, ipagluluto ko si Alexa. Bantayan niyo muna siya," biglang sabi ni Dylan at tumayo. Hindi talaga siya nito tinatapunan ng tingin magmula dumating sila. "Sige fafa Dylan," Masayang sagot ni Tasia. Kung wala ito talagang mangingibabaw ang tensyon sa kwartong iyon. Lumabas na ito ng silid at sila naman ay umakyat sa kama ni Alexa. Minamasdan niya ang kaibigan, Talong-talo siya saan mang angulo, mula sa hitsura sa talent at sa ugali. Alexa was too perfect to be compared. Kaya siguro minamahal ito ni Dylan, marami siyang wala na meron ito. God, anong klaseng laro ba ang nilalaro ng tadhana sa kanila. Sana, sana... Bukas pag gising niya limot na niya si Dylan para di na siya nagkaka ganito. Para kapag nakikita niyang magkasama ang mga ito di na ganun kasakit. Sana simula pa lang pinigilan na niya ang nararamdaman. Pero wala eh, sobrang hirap kapag 'yung puso mo ang nagsimulang magmahal. Kahit ayaw ng isip mo wala itong magagawa...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD